Nagwagi Ng Parangal Na World Architecture Award Ang Mactan Cebu International Airport

Sa ginanap na World Architecture Festival 2019, ay nagwagi ang Mactan Cebu International Airport Terminal 2 na binigyan ng karangalan na World Architecture 2019. Ang pagiging simple, elegante at pagkakaroon ng disenyong gawa sa mga lokal na materyales ng MCIA Terminal 2 ang bumighani sa mga hurado ng nasabing festival.

Image Credit Via Google




Kalaban ang Jewel Chiang Airport na matatagpuan sa Singapore, Istanbul Airport ng Turkey, Hong Kong West Kowloon Station at iba pa, ay nagawang nagwagi ng MCIA Terminal 2 sa “Completed Buildings: Transport Category”

Image Credit Via Google

Umani ng papuri ang MCIA Terminal 2 mula sa mga hurado dahil sa pagiging simple at elegante ng airport. Isa rin sa mga nagustuhan ng mga hurado rito ay ang kakaibang disenyo nito na ginamitan ng mga lokal na materyales kung saan mas lalo pang nagpaganda sa naturang airport.

Image Credit Via Google

Ang Integrated Design Associates (IDA) Hong Kong at ang principal architect nitong si Winstun Shu ang nagdisenyo ng MCIA Terminal 2, ayon na rin ito sa MCIA Authority. Kasama at katulong rin umano ang mga “world class Filipino designer” sa pagdisenyo nito.

Image Credit Via Google

Ang tanyag na Cebuano furniture-maker na si Kenneth Cobonpue ang isa sa mga nag-ambag ng konsepto sa magiging disenyo ng MCIA Terminal 2.

Image Credit Via Google

Isa nga namang karangalan at tagumpay para sa ating bansa ang pagkakakilala at pagkawagi ng MCIA sa World Architecture Festival 2019. Dahil sa dami ng mga kalahok ay ang MCIA Terminal 2 na matatagpuan sa ating bansa ang binigyang parangal at kinilala bilang World Architecture 2019.

Image Credit Via Google

Hindi nga naman mapapantayan ang talento ng mga “world class Filipino designer” natin, dahil ang kanilang galing at husay ay kabilang sa mga naging tulong at ambag upang maging simple ngunit elegante ang dating at kalalabasan ng disenyo ng MCIA Terminal 2 kung saan ito ang naging dahilan upang magwagi ito sa World Architecture Festival 2019.




Pinatunayan din ng MCIA Terminal 2, na may ibubuga din tayo sa ibang bansa pagdating sa mga ganitong larangan. Ang prestihiyosong architectural awards ay ginanap sa Amsterdam, Netherlands na kung saan ay dinaluhan ito ng 148 hurado na nagmula pa sa 68 bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *