Nais Mag Bagong Itsura Ni Bela Padilla Para Sa Movie Na Miracle In Cell No. 7

Mahilig tayong mga Pilipino ng mga pelikula. Maliban sa ating mga sariling mga sariling pelikula, mahilig rin tayong manuod ng mga pelikula ng ibang bansa. Marami sa atin ang naging panatiko na ng mga dayuhang pelikula. Maliban rito, tinatangkilik na rin natin ang kanilang kultura bilang patunay na minamahal natin sila. Isa sa mga kulturang minahal ng mga Pilipino lalo na ang mga kabataan ay ang Korea. Marahil marami na sa mga kabataan ang nakapanood ng mga pelikula at mga programang Korean pati na rin nakakarinig ng kanilang mga musika.

Photo Credit: Noel Orsal




Isa sa mga tumatak noon sa ating puso’t isipan ay ang pelikulang Miracle In Cell No.7 na siyang nagpaiyak sa mga manonood. At ngayon, magsasagawa ang Pilipinas ng Tagalog na bersiyon ng pelikulang ito na kaganapan nina Aga Muhlach at Bella Padilla. Matatandang ang orihinal na dapat sa pwesto ni Bela Padilla ay si Nadine Lustre ngunit dahil sa personal na rason, nagback-out ito.

Photo Credit: @bela/Instagram

Kaya naman, labis ang paghahandang ginawa ni Bela Padilla para sa pelikulang ito. Ayon kay Bella Padilla, gusto niyang mabago ang kanyang kabuuang look para sa darating na pelikula. Isang taon na rin raw kasi ang kaniyang ganoong look. Sa ngayon, hindi niya pa mabago ang kanyang itsura lalo pa’t nagshoshoot pa sila ng “Sino ang May Sala?.” Pinapatapos pa ng production team ng Miracle in Cell No. 7 ang kaniyang kasalukuyang commitment bago siya isalang sa actual shooting ng pelikula.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit niya gustong magbago ng anyo ay dahil makakatambal niya si Aga Muhlach. Sabi pa ni Bella, talagang fan siya ni Park Shin Hye, ang taong gumanap sa karakter na kanyang kaganapan sa tagalog na bersyon ng Miracle in Cell No. 7. Nagkaroon na rin siya ng pagkakataon na makasalamuha si Aga Muhlach bago pa man magsimula ang kanilang taping. Mainam raw ito para malaman niya kung ano ang kanyang kakaharapin at kung anong klase ng aktor ang kanyang makatrabaho.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *