Nakakamanghang Pag-iibigan Ng Mag-Asawa Ang Magpapatunay Na “Height Doesn’t Matter”

Sa mundong ating ginagalawan, ay may mga taong namumuhay na may kakaibang kalagayan, at ito nga ay ang mga PWD(Person With Disability) kung ating tawagin. Masasabi natin na hindi madali ang kalagayan ng mga ganitong tao, dahil hindi nga naman lahat ay nakakayang makaunawa sa kanila at ang iba pa nga ay nagagawa silang husgahan at maliitin.




Ngunit sa kabila naman nito, ay mayroon pa ring mga tao na natatanggap sila, at ang iba ngang PWD ay maswerteng nakatagpo ng tunay na pag-ibig sa kabila ng kanilang kalagayan.

Image Credit via Google

Ang PWD na si Elo, ay isa mga maswerteng nakatagpo ng tunay na pag-ibig sa kabila ng kanyang kakaibang kundisyon. Si Elo ay isa sa mga tao na may kondisyon ‘Dwarfism’ kung tawagin, ito ay ang kakaibang kondisyon ng isang tao kung saan ay hindi normal ang kanilang taas na kahit sila ay tumanda na ang kanilang tangkad ay tila sa isang bata pa rin.

Image Credit via Google

Kahit naman may ganitong kundisyon si Elo, ay hindi naman ito naging hadlang upang mabigo siya na makatagpo ng babaeng magmamahal sa kanya, dahil ang kanyang napangasawa na si Mara ay tinanggap at minahal siya sa kung ano man siya.

Image Credit via Google

Maganda ang napangasawa ni Elo na si Mara, at sa itsura nga nito ay talaga namang maraming mga lalaki ang mabibili dito. Ngunit para nga kay Mara, hindi basehan ang itsura at postura ng isang tao para ito’y iyong mahalin, dahil ang pagmamahal ay walang pinipili at kusa mo lamang nararamdaman sa taong tila nga inilaan sayo ng Maykapal.

Image Credit via Google

Tunay nga naman na ang pagmamahal ng isang tao ay nagbabasa sa sinceridad at pagiging totoo sa isa’t isa ng dalawang taong nagmamahalan, nang hindi na naghahangad ng kahit anumang kapalit. At ito nga ang natagpuan sa isa’t is ani Elo at Mara.

Image Credit via Google

Noon ngang magpakasal sina Elo at Mara ay ramdam na ramdam nila at ng mga taong naging saksi sa kanilang pag-iisang dibdib ang pagmamahal nila sa isa’t isa sa pamamagitan ng binitawan nilang mga wedding vows.

Image Credit via Google

“You know I have a lot of question for God. Why me? Why me? I didn’t get the answers then, but now that you’re in front of me, I realized that you are the answers for all my questions, to all my prayers and much much more. Who would have known that an imperfect Elo, would be chosen by a perfect Mara? Thank you Lord”, ani Elo.

Ito naman ang winika ni Mara, “I will love you forever, as the day more. Nothing is more important to me than our love for each other. And I feel so blessed and grateful, that you love me despite my imperfections, always seeing the gold in me even I reflect silver.

I believe I’m the helpmate God’s design especially for you. And I promise to be the arms that you need to reach your star and the legs that you need to take big steps. My arms and legs are made to be extensions of yours.”




Tunay ngang walang kasing tamis ang binitiwang sumpaan nina Mara at Elo sa kanilang naging pag-iisang dibdib. Sa kasalukuyan ay masayang namumuhay sina Elo at Mara bilang mag-asawa, at ang kanila ngang pag-iibigan ay biniyayaan na ng isang malusig na baby girl na si Liam.

Samantala, nawa naman ay magsilbing inspirasyon ang kuwento nina Elo at Mara sa lahat, na ang kakulangan ng iba ay hindi dapat ikatuwa, bagkus ay pahalagahan at mahalin, dahil ang mga katulad nila na palaging hinihusgahan at minamaliit ang mas nangangailangan ng atensyon, suporta, pagtanggap at pagmamahal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *