Viral Ngayon Ang Video Ng Asawang Foreigner Ni Pokwang Matapos Makita Na Bumibili Ng Ulam Sa Isang Carinderia

Nakakatawa at napaka cute mag tagalog ng asawa ni Pokwang na si Lee O’Brien habang bumibili ng lechong manok at liempo Nitong nakaraan lamang ay nakahiligan na rin ni Pokwang at ng kanyang asawang si Lee O’Brien na gumawa ng vlogs kung saan karaniwan nilang ipinapakita ang kanilang oras sa kusina. Makikita ang kanilang mga video sa Instagram account at Youtube channel ni Pokwang.


Photo credit from google




Kamakailan lamang ay nag-viral ang video na ibinahagi ni Pokwang sa kaniyang Instagram account kung saan pinakiusapan niya ang kanyang asawa ng banyaga na bumili ng Lechon manok at Liempo Ng baboy sa isang tindahan.


Photo credit from google

Wala na raw kasing oras magluto si Pokwang ng kanilang ulam kung kaya’t kahit umuulan ay kailangang pumili ni Lee ng lechon manok at lechon para sa kanyang mag-ina. Makikita sa video si Pokwang na nakaupo sa loob sa loob ng kanilang kotse habang tinitingnan ang kanyang asawang bumili ng kanilang ulam. Tawang-tawa ang komedyante sa paraang pagtatagalog ng kanyang asawa ng banyaga.


Photo credit from google

iBinahagi ni Pokwang sa kanyang caption na kung nose bleed raw siya sa Ingles ng asawa ay mas nose bleed raw ang kanyang asawa sa pagsasalita ng tagalog. Ngunit, binawi niya naman ito ng sinabi niyang “cute” raw ang kaniyang asawa habang nagsasalita ng tagalog.


Photo credit from google

Nang makabalik ng kotse ang kaniyang asawa, tinanong niya kung ano ang kanyang sinabi sa tindero ng lechon.  “Apat manok at isa liempo…tapos kailangan meron lahat, iniisip ko, ‘isang liempo pa,’” sabi ni Lee. Marami ang natuwa dahil sa loob ng maikling panahon ay napaka galing na raw mag tagalog ni Lee.

Pero hindi pa rin mawawala ang mga kritisismo sa mag-asawa bagama’t marami ang natutuwa sa kanilang relasyon. Nitong nakaraan lamang ay sinagot niya ang mga negatibong komento ng ibang tao tungkol sa kanilang relasyon. Marami ang nagbigay ng kani-kanilang mga opinyon pero hindi natinag si Pokwang at agad na dinipensahan ang kanyang asawa at sinabing laking pasasalamat niya sa lahat ng mga taong tutol sa kanilang relasyon dahil ito raw ang kanilang dahilan para mas lalong palakasin ang kanilang relasyon at kanilang pagmamahalan.

 

3 taon nang magkasintahan sina Pokwang at ang Amerikanong si Lee. Kamakailan lamang ay matagumpay na nagsilang ng kanyang unang sanggol kay Lee si Pokwang na kanilang pinangalanang Malia. Balak na rin raw nilang magpakasal, ayon sa kanyang nakaraang panayam.




 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *