Nakakita Ang Babaeng Ito Ng Isang Hindi Pangkaraniwang Itlog Ngunit Nang Bumuka Ito Nasorpresa Ang Lahat

Naglalakad si Lucy Purdy sa countryside Dartmoor sa Devon, United Kingdom na nakaamoy siya ng naaagnas na laman. Nang puntahan niya ang pinagmulan ng masangsang na amoy, nakakita siya ng isang nilalang na kahawig ng isang pugita.


Image Credit from YouTube/paranoidtimes




Ang misteryosong nilalang na ito ay mga pulang mga tentacles. Hindi katulad ng mga pugitang may walong tentacles, ang nilalang na ito ay mayroon lamang anim. Dahil sa sobrang pagkamangha, kinunan niya ng litrato ang nilalang na nangangamoy at ipinadala ang litrato sa Devon Wildlife Trust. Kinilala naman agad ng mga trabahante ng charity ang nilalang na isang Octopus Stinkhorn o Devils Finger.


Image Credit from YouTube/paranoidtimes

Sa kabila ng pagkakahawig ng octopus stinkhorn sa isang marine cephalopod, isa itong exotic fungus na mayroong mahahabang pulang tentacles at kakaibang amoy. Ang mabaho nitong amoy ay may importanteng trabaho dahil niyayaya nito ang mga lamok upang ipakalat ang fungus.

Sa una, ang tentacles ng fungus na ito ay puti at mukha itong kamay ng isang tao. Ngunit sa pagtanda nito, nagiging pula ang mga tentacles at bumubuka. Ang octopus stinkhorn napunta lamang sa Britain kung saan kasalukuyang kumakalat ito. Nagmula ito sa New Zealand at Australia at unang nadiskubre sa UK, isang milenyo na ang nakalipas.
Naniniwala ang mga eksperto na ang nilalang na ito ay nakapunta ng UK sa loob ng lagayan ng mga armas ng militar na dinala sa mula sa Antipodes papuntang South West noong World War I. Makikita rin ito sa Hilagang Amerika, lalo na sa California kung saan kasama nito ang mga exotic plants.

Umuusbong ito bilang isang grupo mula sa lupa kasama ng mga naagnas na mga kahoy at puno. Bagamat napakasangsang ng amoy ito na katulad ng isang malansang naaagnas na isda, hindi nakakalason ang fungus na ito at hindi rin delikado.

Sa katunayan, puwedeng kainin ang octopus stinkhorn ngunit dahil sa masangsang nitong amoy at pangit na lasa, hindi ito gugustuhin ng mga tao para sa kanilang hapunan. Puwede itong kainin lalo na sa mga hindi inaasahang sitwasyon katulad ng kapag nanliligaw ka sa isang isla at gutom na gutom ka na.

Ang mga itlog ng octopus stinkhorn na may gelatinous nature, ay itinuturing na isang mamahaling pagkain sa ibang bansa.

Video Courtesy from YouTube/paranoidtimes




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *