Nakamove-On Ka Na Ba Talaga? Narito Ang Sampung Senyales Na Hindi Ka Pa Nakapag Move-On

Pagkatapos ng isang “break-up,” ang unang ginagawa ng isa ay ang ayusing muli ang nagtapos na relasyon. Kapag hindi na talaga maaaring maayos ito, kinakailangan na niyang mag “move on.” Marami sa atin dito ang nagsasabi ng naka move-on na raw sila sa kanilang dating minamahal.




Marami ang nagsasabing walang raw silang nararamdaman para sa kanilang mga “ex.” Pero, gaano ka ka siguradong naka move-on ka na nga? Baka naman niloloko mo lang ang sarili mo? Baka naman pinapaniwala mo lamang ang sarili mo para palubagin ang iyong loob? Puwes, kung ginagawa mo ang sampung bagay na ito hanggang ngayon, ibig sabihin nito ay hindi ka pa nakakamove-on.

1.) Kung daig mo pa ang NBI sa kaka-“stalk” mo sa ex mo. Ay aba, ano? Akala ko ba naka-block na siya sa’yo? Ginagamit mo pa ang account ng kaibigan mo para lamang ma-stalk ang ex mo.
2.) Humihingi ka ng simpatiya sa mga kaibigan mo. Sa kanila mo nilalabas lahat ng masamang parte ng pagkatao ng iyong ex para magalit rin sila sa kanya. Sa paraang ito, magkakaroon ka ng kaginhawaan dahil nga nasaktan ka ng ex mo at kaibigan mo ang nagko-“comfort” sa iyo.
3.) Mapagpanggap ka. Kunwari hindi mo alam kung kanino number ang nagtext noong sinubukan ka niyang i-text. “Moving on” nga eh. Pero sa katunayan, saulo pa naman talaga ang number niya pati na rin ang account number ng banko niya.
4.) Feelingera/feelingero ka na. Palagi mong inaakala na lahat ng posts niya sa social media ay para sa’yo. Ikaw lang tao sa mundo, ‘te?
5.) Memorabilia. Lahat ng mga gamit niyong dalawa, pati na rin mga usapan niyo at mga love letter na binigay niya, nakatago pa din. Kasama na dito ang mga screenshots at litrato niyo na nakalagay sa iisang folder. Girl, baka gusto mo namang i-delete ‘yan?

6.) Palagi kang nagsheshare ng mga posts at quotes sa Facebook na tungkol sa kaniya. Bakit? Kasi umaasa ka na baka makita niya iyon. Eh hindi niya na nga makita ang halaga mo eh!
7.) Pinapakita mo sa Facebook at Instagram account mo na masaya ka. Bakit? Para makita niya ang kanyang sinayang. Ginagawa mo rin ito para mag mukhang hindi ka naapektuhan sa break-up niyo pero in reality, wasak na wasak ka na.
8.) Bakit mo kailangan i-block? Akala ko ba okay ka lang?
9.) Naiinis ka sa tuwing nakikita mo ang pagmumukha niya. Pero iyon nga ba ang tunay mong nararamdaman? Naku.
10.) Magiging masaya ka lang kapag nasaktan siya ng ibang tao. Ganiyan ang pakiramdam mo, hindi ba? Bitter ka kasi. Ayaw mo siyang maging masaya dahil feeling mo hindi niya deserve iyon. Huwag kang bitter, ‘te!  Natamaan ka? Move-on, move-on din, ‘te!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *