Nanette Medved Ibinahagi Ang Dahilan Kung Bakit Iniwan Niya Ang Buhay Sa Showbiz

Dekada 90’s ng makilala bilang aktres si Nanette Medved. Sa kanyang angking ganda ng mukha at hubog ng katawan, ay siya ang napiling gumanap bilang si “Darna” noong deka 90, kung saan mas lalo siyang nakilala sa mundo ng showbiz at lalong dumami ang kanyang mga tagahanga.

Image Credit Via Google




Ngunit sa kabila ng kanyang narating, at rurok ng kanyang kasikatan ay nagawang iwan ang dating aktres ang mundo ng showbiz.

Image Credit Via Google

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres ang dahilan kung bakit nilisan niya ang industriya ng showbiz, ayon sa kanya naging mahirap para sa kanya ang kanyang naging desisyon ngunit mas pinili niya ang totoong magbibigay ng kasiyahan sa kanya. Ito ay manilbihan sa ating mga kababayan na nasa liblib na mga lugar.

Image Credit Via Google

Sa kanyang naging pahayag, ay inamin ng dating aktres na ngayon ay isa siyang pilantropo na kung saan ay nakakarating siya sa iba’t ibang liblib na lugar dito sa ating bansa. Tumutulong sila na pagpapatayo ng mga silid-aralan sa mga komunidad ng ating bayan na hindi pa masyadong pinagtutuunan ng pansin ng ating gobyerno dahil nga mga liblib na lugar ito.

Image Credit Via Google

Matatandaan na ang huling pelikula na lumabas ang dating aktres sa telebisyon ay sa pelikulang “Ang Dalubhasa” kung saan kasama niya si Fernando JR, FPJ ang Hari ng Pelikulang Pilipino.

Malayong-malayo man sa kasikatan at buhay na meron siya noon, ay masaya naman ang dating aktres sa kanyang simpleng pamumuhay ngayon at sa kanyang ginawang pagtulong sa ating mga kababayan.

Ito ang naging pahayag ng dating aktres;

“I think that it’s because I love what I do. We all kind of choose to serve in our own way and so this is the way I choose to serve and so there no regrets to that. Plus, I have an amazing family, a great life, and I get to do this really meaningful work,”

Hindi nga natin maitatanggi sa naging pahayag ng aktres ang kanyang kasiyahan at bukal na pagtulong sa ating mga kababayan.
Ibinahagi rin ng dating aktres na isa siya sa mga nagpanukala ng proyektong “Hope in a Bottle”. Ito ay isang proyekto na kung saan hinihikayat an gating mga kababayan na magbigay ng PHP20 online, at magkaroon ng pagkakataong makasama sa isang date ang isang sikat na artista.

Isa nga namang kahanga-hanga ang gawain ni Nanette Medved, ang pagtulong ng bukal sa kapwa ay hindi mapapantayan ng kahit na ano pa man.




Pinatunayan lamang ng dating aktres na hindi nga nagkamali ang mga tao na pinilli siya na maging isang “Darna” noong panahon ng kanyang kasikatan, dahil kahit sa simpleng pamumuhay niya ngayon na malayo sa showbiz ay ipinapakita niya pa rin ang kanyang bukal na pagtulong sa ating mga kababayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *