Napaka Cute Na Child Actress Na Si Xia Vigor Ang Tagapagmana Ng 14 Bahay Sa England

Isa sa mga mahuhusay na batang artista sa mundo ng showbiz na talaga namang hinahangaan ng marami at kinaaliwan ay si Xiamara Sophia Vigor o mas nakilala nga natin sa kanyang palayaw na “Xia.” Si Xia ay isang child actress na naging TV host,




siya ay may lahing British-Filipino, dahil ang kanyang ama ay isang British at isang Pinay naman ang kanyang ina. Matatandaan na nagsimula ang karera ni Xia sa mundo ng showbiz bilang isang batang artista ng maging grand winner siya sa segment na “Mine Me”,

Photo Credit: xiabernardo/Instagram

ng noontime show na It’s Showtime ng Kapamilya network. Dito ay kanyang ipinamalas ang pagiging isa niyang Mini Me ni Selena Gomez, isang sikat na Hollywood singer.

Photo Credit: xiabernardo/Instagram

Sa kanyang pagiging isang batang aktres, ay minahal at mainit na tinggap si Xia ng marami, lalo na’t talaga namang hindi lang siya mahusay at bibong bata, kundi taglay din niya ang kakyutan na talaga namang kahuhumalingan ng mga manonood.

Photo Credit: xiabernardo/Instagram

Samantala, lingid naman sa kaalaman ng marami, na maliban sa pagiging sikat na batang artista ni Xia ay tagapagmana rin pala ang bibong bata ng mga ari-arian ng kanyang ama sa bansang England.

Ayon sa ulat, si Xia ang tanging tagapagmana ng kanyang ama ng mga ari-arian na naipundar nito, at ilan lamang sa mga ito ay ang labing-apat na magagandang bahay nito sa nasabing bansa. Sa napakabata ngang edad ni Xia ay maituturing na siyang isang heredera,

dahil sa nakatakda nga niyang manahin ang napakaraming mga ari-arian ng kanyang ama.
Kamakailan naman sa naging panayam ni Xia, kung sakali na hindi siya isang heredera ay nais niyang maging isang weight lifter at salon girl. Ngunit habang siya ay lumalaki, ay nagbabago naman umano ang mga nais niya at pangarap niya sa kanyang buhay.

Hindi naman talaga inakala ng maraming netizens na ang batang kanilang hinahangaan at iniidolo dahil sa kanyang kakyutan at pagiging bibo ay isa palang tagapagmana at heredera.
Maliban sa kanyang pagiging isang batang aktres,




ay pinasok na rin ni Xia ang pagiging isang vlogger, kung saan kanyang ipinapakita ang mga araw-araw niyang ginagawa. Ang kanyang mga tagasubaybay at tagasuporta ay talaga namang kinaaaliwan siya lalo na ang kanyang magaling na British accent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *