Napakaganda at Napakalaking Bahay-Bakasyunan Ni Piolo Pascual Sa Batangas Ipinasilip Publiko

Tuwing papalapit ang buwan ng tag-init o summer ay naghahanda na ang marami sa atin upang makapunta sa iba’t ibang lugar o bakasyunan na sa tingin natin ay doon tayo makapag-enjoy at makakapag-relax. Naka-ugalian na ito ng marami sa atin, lalo na kung kasama natin ang ating buong pamilya upang magsaya at magbakasyon.




Bukod pa sa mga lugar na pwedeng pag bakasyunan, may ilan din naman na may mga sariling bahay-bakasyunan na dinadayo upang doon ay makapag pahinga sa stress sa trabaho at makalanghap ng sariwang hangin.

Image Credit via Google

Marami na tayong mga kilalang celebrity na nagmamay-ari ng mga bakasyunan sa iba’t ibang probinsya, at muli isa na naman sa mga nakakamanghang bahay-bakasyunan ngayon ng artista ang usap-usapan sa social media at ito ay ang bahay-bakasyunan na pag-aari ng aktor na si Piolo Pascual.

Image Credit via Google

Ang bahay-bakasyunan na ito ng aktor ay matatagpuan sa Mabini, Batangas na halos 50 kilometro lang ang layo nito sa Bulkang Taal. Nasa gitna ito ng mga punong-kahoy, kaya napakarelaxing ng lugar at isa pa sa nakamamangha dito ay matatanaw mo mula rito ang ganda ng Bulkang Taal.

Image Credit via Google

Dahil sa napakagandang tanawin at napaka relaxing ng bahay-bakasyunan na ito ng aktor, ay dito niya sinalubong ang kanyang kaarawan noong Enero 12 ng alas-dose ng madaling araw. Mga kapamilya at ilang piling kaibigan ng aktor ang dumalo sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Image Credit via Google

Mapapansin naman na mala-white house ang dating ng pribadong bahay-bakasyunan na ito ng aktor, dahil halos ang buong bahay ay napipinturahan ng puti. Puno rin ito ng mga sliding glass door, at napapalibutan ng mga malalaking bintana upang dumaloy umano ang malamig na simoy ng hangin Batangas.

Image Credit via Google

Makikita rin sa video ang isang napakalaking kwarto, na kung saan mula rito ay natatanaw ang Bulkang Taal at ang Taal Lake kaya napakarelaxing ng view.




Isa pa nga sa nakamamangha sa bahay-bakasyunan ng matinee idol, ay ang napakalaking infinity pool nito na talagang mag-eenjoy sa kalalangoy ang mga bibisita rito.
Mula sa malayuan naman ay ipinakita rin kung gaano kalawak ang lupain na kinatitirikan ng bahay-bakasyunan ng gwapong singer/actor.

Lahat nga naman na ari-arian na naipundar ng aktor, ay talagang deserve niya sapagkat ang mga ito ay bunga ng kanyang sipag at tiyaga sa kanyang trabaho bilang isang mahusay na singer at aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *