Napakagandang Anak Ng PBA Legend Na Si Vergel Meneses Sasabak Sa Miss Philippines Earth Pageant

Sa nalalapit na ika-25 ng Hulyo ay magaganap na nga ang Miss Earth Philippines, kung saan ay magpapatagisan na naman nga ng kagandahan at katalinuhan ang mga magagandang dilag na kwalipikado sa nasabing pageant na mula sa iba’t ibang panig ng ating bansa.




At isa nga sa mga kalahok dito na naghahangad ngang masungkit ang korona at titulo ay ang napakagandang beauty queen na si Roni Meneses.

Photo Credit: ronimeneses/Instagram

Ngayon nga ay lumilikha na ng kanyang sariling pangalan sa pageant industry si Roni Meneses. Ngunit sino nga ba si Roni? Marahil ay marami sa atin ang hindi nakakaalam na si Roni ay anak ng PBA legend na si Vergel Meneses na ngayon ay Mayor ng Bulakan, Bulaca, kung saan si Roni nga ang bunso sa mga anak nito at talaga namang nagtataglay ng katangian na “beauty and brain.”

Photo Credit: ronimeneses/Instagram

Si Roni nga ay kabilang sa animnapu’t walong nag-gagandahang kandidata na makikipagtagisan ng ganda, talino at husay sa pagrampa sa nalalapit nan gang Miss Philippines Earth 2021. Siya ay ang magiging representante ng Mandaluyong City, na talaga namang nag-uumapaw ang taglay na kagandahan.

Photo Credit: ronimeneses/Instagram

Hindi na nga bago pa sa anak ni PBA legend Vergel na si Roni ang pagsabak sa beauty pageant, dahil bago pa man ang magiging laban niya sa Miss Philippines Earth 2021 ay nagwagi at itinanghal na rin itong Miss Mandaluyong 2020. At ang pagkawagi nga niya sa beauty pageant na ito ang naging daan para mapasabak siya sa isang national pageant.

Photo Credit: ronimeneses/Instagram

Bilang isang kandidata naman ng Miss Philippines Earth ay mayroong magandang adhikain si Roni, at ito nga ay ang pagsulong sa “environmental vegetarianism.”
Sa karera naman na ito na tinatahak ni Roni sa kanyang buhay, ay nasa likod lamang niya palagi ang kanyang ama na nakasuporta sa kung ano ang pangarap niya.

Photo Credit: ronimeneses/Instagram

Sa edad ngang 26 ni Roni ay matayog na ang pangarap ng dalaga, kung saan ay handa niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya matupad lamang niya ang kanyang pangarap at maisakatuparan ang maganda niyang adhikain na para sa sangkatauhan at kapaligiran.

Photo Credit: ronimeneses/Instagram

Ayon sa iba pang mga ulat, si Roni ay nagtapos ng kolehiyo sa UP Diliman at ngayon nga ay nagmamay-ari ng kanyang sariling negosyo na RM Couture at RM Kitchen, maliban kasi sa pagiging isang beauty queen ay pangarap din niya ang maging isang matagumpay na negosyante.

Hindi nga lamang talino at ganda ang maipagmamalaki ni Roni, dahil namana rin niya ang pagiging sporty ng kanyang ama. Siya nga ay may itinatago ring galing sa paglalaro ng volleyball at basketball, kung saan noong siya nga ay nasa high school ay ito ang kanyang madalas na sports.




Marami naman ang nagpapakita ng suporta kay Roni para sa bagong journey na kanyang tatahakin, at nangunguna na nga sa mga ito ay ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

Ang Miss Philippines Earth 2021 ay gaganapin ng live sa ika-25 ng Hulyo at ito nga ay mapapanood sa KTX.Ph. Magkakaroon naman ng regional costumes preliminary sa ika-11 ng Hulyo, kung saan ay kasabay nito ang koronasyon ng kumpetisyon na para sa mga bata na Little Miss Earth Angels.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *