Narito Ang Buhay Ng Dating Sikat Na Sexy Star Na Si Klaudia Koronel Matapos Lisanin Ang Mundo Ng Showbiz

Si Milfe Dacula o mas kilala noon bilang si Klaudia Koronel ay ipinanganak noong December 19, 1975. Isa siya sa mga popular na aktres noong 1990’s na mas kilala at sumikat pa dahil sa kanyang mga sexy at bold roles niya noon sa mga Pelikulang Pinoy.

Image Credit Via Google




Ang karera ni Klaudia Koronel bilang artista ay nagsimula noong 1990 at nagpatuloy hanggang sa taong 2000. Ilan sa mga pelikula na napanood siya ay ang “Torotot” na ang kasama niya ay si Leo Martinez at ang “Kapitan Ambo:Outside De Kulambo” naman noong 2001 na kung saan ay ang yumao ng beteranong aktor na si Eddie Garcia ang kanyang nakatambal.

Image Credit Via Google

Naging leading lady din ang dating aktres ni Joey De Leon sa sitcom na Kiss Muna at naging parte din siya noon ng ABS-CBN drama series na “Mga Anghel na Walang Langit”. Kahit pannga ba kinilala siya noon sa larangan ng pagpapasexy ay pinatunayan naman ni Klaudia ang kanyang galing bilang actres manominado siya at magwagi ng Gawad Urian Awards dahil sa kanyang ipinakitang galing sa pag arte sa pelikulang “Live Show” noong taong 2000.

Image Credit Via Google

Marami nga ang hindi makapaniwala ng unti-unting mawala sa industriya si Klaudia sa kabila ng magandang takbo ng karera niya bilang artista. Ilan sa mga balitang dahilan ng paglisan sa showbiz ng aktres ay dahil ipinagpatuloy nito ang pag-aaral sa New Era University at nagtapos ng noong 2005 sa kursong BS of Computer Science.

Image Credit Via Google

Matapos nga ang kanyang pag-aaral ay nagbukas ng sariling negosyo na Internet shop si Klaudia Koronel hanggang noong August 28, 2009 nga ay ikinasal siya sa matagal na niyang partner na si Andy Zang isang Chinese American businessman. Ang mag-asawa ay nauna na ng biniyayaan ng anak na lalaki na si Zandy noong taong 2006.

Image Credit Via Google

Matapos naman ang ilang taong pananahimik ay muling naging usap-usapan ang dating aktres dahil sa naging post niya sa kanyang social media account sa usapin na pagsasara ng network na minsan na niyang pinagtrabahuan ito ay ang ABS-CBN.

Sa kanyang Facebook Page ag ipinakita ng aktres ang kanyang suporta na ishutdown o ipasara ang ABS-CBN. ayon sa kanya ay may ikinatatampo siya sa network dahil sa naging isyu nito noon sa kanilang religious group.




Sa magkaibang post ng dating aktres ay mababasa ang mga hinanakit niya sa nasabing network dahil sa pag biased umano nito ng mga reports laban sa kanilang relihiyong INC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *