Narito Ang Dahilan Kung Bakit Iniwan Ng Aktor Na Si Bojo Molina Ang Mundo Ng Showbiz

Natatandaan nyo pa ba si Bojo Molina?ang isa sa mga aktor noon na kabilang sa youth-oriented show ng Kapamilya Network na GIMIK. Nasaan na kaya siya ngayon?at ano kaya ang dahilan niya sa paglisan sa industriya ng showbiz?

Image Credit via Google




Si Bojo Molina o Ubaldo Molina Punongbayan JR., sa tunay na pangalan ay nakilala bilang aktor noong taong 1990 at nagkaroon ng oportunidad na mapabilang sa youth-oriented show na GIMIK na inilabas noong taong ng iyon at taong 2000.

Image Credit via Google

Isa amg GIMIK sa mga inaabangan sa telebisyon noon nv mga manonood at halos naging popular ang mga cast nito lalo na sa mga kabataang 90’s. Si Mylene Dizon na hanggang ngayon ay nanatili pa rin sa showbiz ang laging katambal noon ni Bojo Molina.

Image Credit via Google

Base naman sa Philippine Entertainment Portal (PEP), lumipat ang dating aktor sa pangangalaga ng Viva Artist Agency taong 2000. Ilan nga sa mga Viva show na kanyang kinabibilangan ay ang Hating Kapatid, May Bukas Pa at ang Ikaw Lang ang Mamahalin na kung saan ay ito ang huling pelikula na siya ay lumabas sa telebisyon.

Image Credit via Google

Matapos nga ang serye na Ikaw Lang Ang Mamahalin ay tuluyan ng iniwan ng aktor ang pag-aartista, ito ay dahil nagpakasal siya sa kanyang non-showbiz na asawa na si Johansen Kwe at mas pinili na magkaroon ng pribadong pamumuhay.

Image Credit via Google

Ayon sa isang entertainment columnist ng Philippine Star na si Ricky Lo, sinabi daw ng dating aktor na magiging unfair o hindi siya patas sa kanyang non-showbiz wife kung mananatili siya sa industriya. Iniisip niya umano na baka mahirapan ang kanyang asawa sa magiging buhay nila na posibleng maging bukas sa publiko kung mananatili siyang nasa showbiz.

Image Credit via Google

Ngayon ay naninirahan ang aktor at ang kanyang asawa sa Guam matapos nilang magmigrate doon, kapiling rin nila doon ang kanilang dalawang anak. Kahit pa nga iniwan ng aktor ang kanyang karera bilang artista dito sa Pilipinas ay masaya naman ito sa pinili niyang buhay kasama ang kanyang pamilya.

Ang dating aktor ay nagtatrabaho din umano sa Red Dragon Production/Sorensen Media Group, ito ay base naman sa detalye niya sa kanyang Facebook Account.




Matatandaan naman na muling nagkasama ang cast ng GIMIK noong 2010 ng muli itong ipalabas sa telebisyon, kung saan muling bumalik si Bojo dito sa Pilipinas at lumabas sa limang episode ng nasabing show. Dito ay muli siyang kasama sina Judy Ann Santos, Mylene Dizon, G. Tongie at Diether Ocampo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *