Narito Ang Dating Itsura Ng Isla Ng Boracay Bago Pa Ito Makilala Sa Buong Mundo At Dagsain Ng Maraming Turista

Mga Larawan ng Boracay Island noong ito ay hindi pa dinadayo ng mga turista, hinangaan ng mga netizens dahil sa angking ganda nito noon pa man Ang isla ng Boracay ay matatagpuan sa bahagi ng Visayas ng Pilipinas. Ito ay kilala dahil sa dami ng turista na dumayo dito.

 




Ang tanyag na Isla ng Boracay ay dinarayo at binabalik-balikan ng maraming turista dahil sa angking ganda ng Islang ito. Taglay nito ang white sand beach at asul na dagat na humihikayat sa bawat mapadpad dito na lumusong at magtampisaw.

Image Credit via Google

Ang mga taong nag pupunta dito ay makakahanap ng lugar na kung saan sila ay may peace of mind o kaya nakakapag relax sa kanilang mga problema o pagod sa trabaho.

Image Credit via Google

Iba’t-ibang lahi ang nagsisi pagpunta dito upang bisitahin at pasyalan ang Isla. Ngunit habang tumatagal kapansin-pansin na ang napakagandang Isla ng Boracay ay unti-unting nasisira at nadurumihan na nagbigay na ng mga negatibong komento mula sa mga turistang dumayo rito.

Image Credit via Google

Kaya’t ito ay ipinasara ng ating Gobyerno sa mga turista upang ayusin, linisin at muling maibalik ang naturang ganda nito. May mga larawan na lumabas at nagkalat sa social media, kung saan makikita ang mukha ng sinaunang Isla ng Boracay.

Image Credit via Google

Makikita sa larawan na noon pa man na hindi pa dinarayo ng mga turista ang Isla ay taglay na nito ang napakaganda at napakalinis na kapaligiran. Ang mga larawang ito ay kuha noong dekada 80 pa, kung saan ang mga tao sa Isla ay namumuhay pa ng simple at payak.

Image Credit via Google

Makikita ang isang larawan kung saan ang isang mamamayan ng nasabing Isla ay nakasakay pa sa isang kalabaw, makikita rin sa larawan ang mga kabahayan na gawa lamang noon sa mga pawid,nipa at kawayan.

Image Credit via Google

Ngayon ay mga malalaking establisyemento na ang karamihang makikita sa Isla ng Boracay.

Image Credit via Google

Marami na nga talaga ang nagbago sa Isla ng Boracay sa bawat paglipas ng panahon. Ang Isla noon ay napakasimple lamang, ngayon ay kilala na sa buong mundo, may mga establisyemento ng nakatayo, mga bangkang de motor, at maraming turista na ang dumarayo.

Image Credit via Google

Sa naging pagsasara naman ng Isla ng Boracay para sa ginawang “RENOVATION”, ay muli na itong binuksan sa mga bakasyonista at turista, ngunit may ilang patakaran ang gobyerno na istriktong ipinatupad upang maiwasan na masira ang Isla.

Image Credit via Google




Paraiso nga namang maituturing ang Isla ng Boracay, kaya’t dapat natin itong pangalagaan upang ang Isla na paborito nating pasyalan at mapanatili ang kagandahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *