Narito Ang Halaga Ng Cash Incentives Na Matatanggap Ng Mga Sea Games Medalist Bukod Sa Kanilang Napanalunan Ng Medalya

Sa ginaganap na 30TH Southeast Asian (SEA) Games dito sa ating bansa, ay marami na sa ating mga kababayan ang nagtamo ng karangalan na nakakuha ng iba’t-ibang medalya. Patuloy nga na ipinapakita ng mga manlalarong Pinoy ang kanilang galing at talento sa Iba’t-ibang larangan, na kung saan sila ay nagbibigay karangalan sa ating bansa.

Image Credit via Google




Sa lahat naman ng kalahok sa South East Asian Games (SEA Games), ang mga manlalaro mapa indibidwal man ito o isang team ay may matatanggap silang Cash Incentives maliban sa kanilang medalyang matatanggap.

Image Credit via Google

Ang bawat medalyang ginto, silver at bronce ay may kaukulang salapi na ibibigay sa bawat kalahok na makakatanggap ng mga medalyang nabanggit. Para sa mga makakatanggap ng gintong medalya, maliban sa medalya ay mayroon din silang salapi na nagkakahalaga ng PHP 300,000, ang manlalaro naman n makakatanggap ng pilak na medalya ay magkakaroon ng PHP 150,000 na salapi at ang may bronse na medalya naman ay may matatanggap ng PHP 60,000 halaga ng salapi.

Image Credit via Google

Ang mga manlalaro na hindi tataas sa lima ang bilang ng miyembro ng bawat team, ay makakatanggap ng kaukulang salapi na ukol sa bawat medalyang kanilang matatanggap, ngunit ito ay hahatiin sa bawat miyembro ng team na lumahok sa nasabing kompetisyon kung saan sila ay nagwagi.

Image Credit via Google

25 porsyento naman ng kaukulang salapi ang ibibigay sa bawat indibidwal ng team na sobra sa limang katao ang miyembro kung sila ay may masusungkit na medalya.
Hindi rin naman mawawalan ng cash incentives ang mga coaches, na kung saan sila ang nangangalaga at gumagabay sa bawat manlalaro na kalahok sa SEA Games. 50% o singkwenta porsyento ng kaukulang salapi sa gold, silver at bronze medalist na kanilang manlalaro ang mapupunta sa coaches.

Image Credit via Google

Halimbawa naman na ang isang kalahok o grupo ng isang kalahok ay may dalawa o higit pa na coaches ay hahatiin ng bawat coaches ang nasabing salapi sa bawat isa.
Malaking salapi nga naman ang maiuuwi ng mga manlalaro kung sila ay makakakuha ng medalya sa nasabing patimpalak, dahil sa kanilang tagumpay ay dugo’t pawis ang kanilang ipinuhunan.

Image Credit via Google

Para naman makuha ang cash incentives, ang bawat kalahok o team captain ng isang team ay kailangan mag submit ng kanilang written certification na duly attested ng kanilang National Sports Association (NSA’s).




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *