Narito Ang Iba’t Ibang Christmas Decoration Idea Na Ginawa Ng Ilang Mga Sikat Na Artista Sa Kanilang Magarbong Mga Tahanan

Sa papalapit na pagsapit ng kapaskuhan tayo ay busy sa kanya-kanyang pagpapaganda at pagdedekorasyon ng mga Christmas Décor sa ating mga tahanan. Ang pagkakaroon ng makukulay na dekorasyon ay isa sa mga simbolo na ang kapaskuhan ay papalapit na, at itong mga dekorasyong ito ay makikita na sa tahanan ng bawat pamilya.




Hindi rin magpapahuli ang ating mga Celebrity na bigyan ng kulay ang kanilang mga tahanan sa papalapit na kapaskuhan, ilan sa kanila ay nagpakita na ng mga palamuti at dekorasyon na ginawa nila sa kani-kanilang tahanan upang maramdaman ng bawat miyembro ng kanilang pamilya o ng mga taong mapapasyalan dito ang ng pasko.

Ang ibang celebrity ay nag dekorasyon ng sila lamang, ang iba namang ay kumuha pa ng mga magagaling na stylist upang tumulong na pagandahin ang kanilang mga dekorasyon.
Isa sa mga sumisimbolo ng Kapaskuhan at hindi mawawala sa bawat tahanan ay ang Christmas Tree. Ilan sa ating mga celebrity ang nag post ng kanilang magagarbo at naggagandahang Christmas tree sa kanilang tahanan.

Sina Kathryn Bernardo at Regine Velasquez ay nagbigay ng inspirasyon sa kanilang mga tagahanga ng ipakita nila ang kanilang Christmas Decors at Christmas Tree.
Narito pa ang ilan sa mga celebrity na ipinasilip ang kanilang mga Christ,as decors sa kanilang bahay.

JINKEE PACQUIAO

Photo Credit: jinkeepacquiao/Instagram

November pa lamang ay busy na ang asawa ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa pagdedekorasyon sa kanilang mansyon sa Makati. Makikita sa tahanan ng mga Pacquiao ang magandang Christmas décor at ang isang malaking Christmas tree na may tema na Flamingo.

KATHRYN BERNARDO

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Sa tahanan naman nina Kathryn Bernardo ay makikita ang isang malaking white Christmas tree na napapalibutan ng mga Polar bears na may iba’t-ibang laki. Ito rin ay may mga dekorasyong kulay white at gold at mga micmic snow na nagbigay pa dito lalo ng ganda. Ang Christmas tree na ito ni Kathryn ay disenyo ni Gideon Hermosa na isang event stylist.

KORINA SANCHEZ-ROXAS

Photo Credit: korina/Instagram

Noong November 23 sa Youtube Channel ni Korina Sanchez na Rated Korina ay nagpost siya ng kanyang vlog na MY Christmas Tree 2019. Sa naturang video ay ipinakita ni Korina ang kanilang Christmas Tree na kung saan ay siya ang nag decorate, pinalibutan niya ito ng mga traditional ornaments at mga larawan ng kanilang pamilya.

POKWANG

Photo Credit: itspokwang27/Instagram

Ang Christmas Tree naman nina Pokwang ay parang katulad ng kanyang personality. Ang Banana Sundae star ay pinakita ang kanyang malaking Christmas tree na may mga Santa Claus na naka dekorasyon, mga Christmas lights na nakapa ilaw at mga blue star na nakapalibot. Nakapatong rin sa taas nito ang isang Star na nagbibigay dito ng ningning.

NERI NAIG-MIRANDA

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Sa tahanan naman ng mga Miranda, ay ibinahagi ni Neri ang kanilang Blue Christmas Tree na binigyan niya ng dekorasyon na mga candy canes, nutcracker figurines, strings of crystal at mga snowflakes na nagbigay rito ng kakaibang ganda.

REGINE VELASQUEZ

Photo Credit: reginevalcasid/Instagram

Sa tahanan naman nina Regine Velasquez ay hindi pa niya ipinakita ang kanilang Christmas Tree, ngunit ang kanyang buong tahanan ay may naka dekorasyon na, na mga Christmas decors. Sa kanilang hagdan ay makikita ang dekorasyon na mga garland, na may mga white ornaments at sparkling golden doves. Ang event stylist/florist na si Michael Rueda ang gumawa ng nasabing dekorasyon.




Iba-iba nga naman ang makikitang tema at palamuti sa tahanan ng ating mga celebrity, ngunit alam ng bawat isa sa atin na ang tunay na tema ng pasko ay wala sa palamuting nakapalibot sa atin dahil ang kapaskuhan ay araw ng kapanganakan ng ating poong maykapal na kung saan dapat mangibabaw sa bawat isa sa atin ang pagmamahal at pagbibigayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *