Narito Ang Ilan Sa Mga Ari-arian At Kayamanan Na Naiwan Ng Basketball Legend Na Si Kobe Bryant

Isang magaling na Basketbolista, iniidolo ng mga kabataan at iba pang manlalaro ng basketball, isang mabuting kaibigan, isang mapagmahal na asawa at responsableng ama yan ang pagkakakilala ng lahat sa Basketball Legend na si Kobe Bryant.

Image Credit via Google




Ang kanyang galing at dedikasyon sa paglalaro ng basketball ay hindi na naman matatawaran, sa katunayan ay nalagpasan niya ang NBA record ni Michael Jordan bilang “Most Career Points” sa NBA All-Time-Game History.

Image Credit via Google

Kilala din si Kobe Bryant bilang isa sa pinakamagaling na manlalaro ng lipunan na Lakers na naging kampeon ng limang beses sa NBA. Ilang beses na din nagwagi bilang MVP player ng NBA si Bryant. Nagretiro naman si Kobe sa pagiging manlalaro ng NBA taong 2016 upang magpokus sa kanyang pamilya at nag tayo na lang ng sarili niyang basketball camp kung saan siya ang naging coach.

Image Credit via Google

Hindi nga lamang sa basketball nakilala si Kobe dahil nag-endorso din siya ng mga kilalang produkto tulad ng Nintendo, Sprite at Turkish Airlines. Isa rin si Kobe Bryant sa mga naging endorser ng Nike na kung saan ay kumita siya dito ng malaki na umabot sa $10 milyon taon-taon.

Image Credit via Google

Sa mga narating ng karera ni Kobe bilang Basketbolista at Endorser ay talaga nga namang masasabi natin na isa na nga siya sa mayaman na basketbolista. Sa katunayan ay isa siya sa mga highest paid athletes sa history ng basketball ayon sa Forbes.

Image Credit via Google

Hindi nga naman maitatangi ang yamang mayroon ang basketbolista dahil nakapagpundar siya ng mga mamahaling sasakyan na hindi lang basta-basta ang presyo ilan sa mga ito ay ang kanyang mga sports car na mercedes benz at ferrari na talaga namang mayayaman lamang ang nakakabili.

Image Credit via Google

Kaya’t malaking pagkagulat, panghihinayang at lungkot ang nadama ng mga umiidolo, kaibigan at pamilya ni Kobe ng lumabas ang balitang pumanaw na ang Basketball Legend dahil sa isang helicopter crash kasama ang isa sa mga anak nito.

Image Credit via Google

At ngayon nga na wala na si Kobe Bryant ang kanyang mga ari-ariang napundar ay maiiwan sa kanyang naiwang pamilya, sa kanyang asawang si Vanessa Bryant at kanilang tatlong anak.




Ayon sa celebrity Networth ay kumikita si Kobe Bryant noon ng $25 milyon taon-taon, at tumatayong umabot na sa $600 milyon ang total networth ng yumaong basketbolista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *