Narito Ang Ilan Sa Mga Gwapong Binatang Celebrity Na Mayroon Ng Anak

Mapapansin sa ating henerasyon ngayon ang ating mga kabataan ay maagang namulat sa mga bagay na may kinalaman sa responsibilidad. Kapansin-pansin na ang ating mga kabataan ngayon na mga dalaga at binata pa lamang ay nagkakaroon na sila ng kanilang mga anak at maagang nag kapamilya. Maging sa ating mga celebrity ay mayroong ilang mga aktor na may mga anak na sa kanyang pagka binata.




Ilan sa mga kilalang sikat na aktor na may mga anak na sa kabila ng kanilang pagiging binata ay sina:

Richard Gutierrez

Image Credit via Google

Si Zion ang unang anak ng aktor sa kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati, na ipinanganak noong taong 2013. Ang pagdating ni Zion sa buhay ng aktor ay isa sa nagpabago ng takbo ng relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati, ito rin umano ang nagpapadala ng pagod nila at sentro ng kanilang buong pamilya.

John Lloyd Cruz

Image Credit via Google

Isa rin sa pinaka naging usap-usapan ang pangalan ni John Lloyd sa industriya ng ang relasyon niya sa aktres na si Ellen Adarna ay ilihim nilang dalawa, pati na rin ang naging pagbubuntis at panganganak ng aktres.

Si Elias Modesto ang naging anak ng aktor kay Ellen Adarna, sinasabing ang pangalan nito ay isinunod sa yumaong ama ng aktres at isinilang umano ito sa mismong kaarawan ng ama nito sa si John Lloyd.

Paolo Ballesteros

Image Credit via Google

Proud Daddy naman ang aktor sa kanyang Unica Ija na si Keira Claire Ballesteros. Ayon pa sa aktor kahit busy ang kanyang schedule ay hindi niya nakakalimutan maglaan ng oras para sa kanyang anak upang makabonding ito.

Marvin Agustin

Image Credit via Google

Kambal naman ang anak na meron ang aktor na si Marvin Agustin, sila ay sina Sebastian at Santiago na talaga namang makikita sa mga larawan na napaka cute.

Marami naman ang natutuwa sa aktor dahil kahit busy siya sa pagiging isang artista at mga negosyo ay napapanatili pa rin niya ang pagiging hands on daddy niya sa kambal.

Piolo Pascual

Image Credit via Google

Marami nga naman ang humahanga dahil ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo ay kasing gwapo ng aktor at taglay din ang galing sa pag-awit na pareho ng kanyang Daddy. Proud Daddy naman si Piolo dahil na lalaki na may mabuting personalidad at may respeto sa kapwa ang kanyang anak.




Matatandaan na nabatikos ang mag-amang ito ng naging usap-usapan ang pagiging malapit nila sa isa’t isa na kung saan ag maging sa pagtulog ay magkatabi pa silang dalawa.

Vhong Navarro

Image Credit via Google

Mayroon namang dalawang anak na lalaki si Vhong sa kanyang naging unang asawa. Busy man sa pagiging isang host at aktor ay sinisigurado naman ng aktor/host na may oras pa rin siya sa mga anak na sina Isaiah Lapus at Frederick Bruno upang makapag bonding silang mag-ama.

Paulo Avelino

Image Credit via Google

Sa aktres na si Lj Reyes naman nagkaroon ng anak ang aktor na ang pangalan ay Ethan Akio Reyes. May namamagitan man na kontrobersyal sa pagitan nina Lj at Paolo ay umaasa pa rin ang aktor na hindi ito nakakaapekto sa relasyon niya sa kanyang anak na si Ethan Akio.

Jericho Rosales

Image Credit via Google

Proud daddy naman ang 38- taong gulang na aktor sa kanyang anak na si Santino dahil sa galing nito sa klase at hakot awards pa sa mga academics. Madalas din napagkamalan na magkapatid lamang silang mag-ama dahil sa fresh look lagi ni Jericho.

Ion Perez

Image Credit via Google

Nakilala sa It’s Showtime si Ion, at ngayon ay kilala na din siya bilang kasintahan ni Vice Ganda. Marami ang hindi nakaka-alam na nagkaanak pala siya sa kanyang dating girlfriend at ayon sa kanya ay bihira lamang niya nakakasama at nakakabonding ang anak dahil ito ay nangyayari lang kapag ipinapahiram ito sa kanya ng mommy nito.

Coco Martin

Image Credit via Google

Ang Probinsyano aktor naman ay sinasabing nagkaanak sa aktres na si Julia Montes matapos itong patunayan ni Cristy Fermin. Hanggang ngayon ay wala pa ring kalinawan na nagmumula kana Julia at Coco tungkol sa usaping ito, ngunit maraming nagsasabi na noong nagbakasyon si Julia at mawala ng ilang buwan sa industriya ay buntis ano ito at naninirahan muna sa ibang bansa.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *