Narito Ang Ilang Artista Na Hindi Mo Akalaing Magkamag-Anak Pala

Former President Corazon Aquino at Sophie Albert 

Image Credit Via Google

Ang Kapuso beauty na si Sophie ay apo pala ng dating presidente ng ating bansa na si Cory Aquino. Ito ay batay na din sa kwento ng aktres sa ‘Tunay na Buhay’ kung saan ay sinabi niya na ang kanyang Lola (ina ng kanyang ama) ay kapatid ng dating pangulong Cory Aquino.




Maine Mendoza at Coco Martin 

Image Credit Via Google

Hindi nga inaasahan ng marami na ang Kapuso Phenomenal star na si Maine Mendoza ay malayong kamag-anak ng Abs-Cbn actor na si Coco Martin.

Sa ginanap na grand media conference ng ‘ Jack En Poy’ sinabi ni Maine na noong magkaroon ng family reunion ang kanilang pamilya sa Bulacan, ay doon palang nila nalamang dalawa na magkamag-anak pala sila.

Dahil sa pagkalalaki-laking family tree ng kanilang pamilya ay nasa kabilang side siya at sa kabila naman ay si Coco. Hindi pa nga nagsisimula ang kanilang movie ay alam na ng dalawa na magkamag-anak pala sila.

Eula Valdez at Paolo Ballesteros 

Image Credit Via Google

Ang versatile aktres naman na si Eula Valdez ay related sa sikat na host ng ‘Eat Bulaga’ na si Paolo Ballesteros, kung saan ay tiyahin ni Paolo ang aktres, dahil ang kanyang Lola ay kapatid ng aktres na si Eula Valdez.

Kylie and Daniel Padilla 

Image Credit Via Google

Magpinsan naman ang aktres na si Kylie at ang aktor na si Daniel Padilla. Si Daniel ay anak ni Rommel Padilla na kapatid naman ng ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Maja Salvador at Philip Salvador 

Image Credit Via Google

Ang batikang aktor na si Philip ay tiyuhin ng aktres na si Maja dahil ang ama ni Maja ay kapatid ng aktor. Nalaman lang ito ni Maja ng siya ay pumasok na sa industriya ng showbiz.

Mickey Ferriol at Jackie Foster 

Image Credit Via Google

Sa totoong buhay ay maghalf-sister sina Jackie at Mickey. Ang totoong pangalan ni Mickey ay Michelle Forster.

Zoren Legaspi at Dani Barretto 

Image Credit Via Google

Pamangkin na naman ng aktor na si Zoren, si Dannie Barreto. Dahil si Kier, na ama ni Dannie ay kapatid ng aktor.

Susan Roces at Sheryl Cruz 

Image Credit Via Google

Ang ina ni Sheryl na si Rosemarie Senora at ang aktres na si Susan Roces ay magkapatid, kaya’t naging magtiyahin ang dalawa. At naging pinsan naman ng aktres na si Sheryl si Grace Poe na isang senador at anak ni Susan Roces.




Marami pa ngang mga sikat na personalidad sa industriya ang magkakamag-anak. Ang iba ay magpinsan pala, ang iba ay mag in-laws pala, at ang iba ay malayong magkakamag-anak. Kayo?may iba pa ba kayong alam at kilalang mga personalidad na pwedeng idagdag sa listahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *