Narito Ang Kwento Ng Buhay Ng Philippines Top Billionaire Na Si John Gokongwei

Ang nakakainspire na buhay ni John Gokongwei, mula sa mayaman na naging mahirap at naging isa sa mga bilyonaryo sa Pilipinas Sino nga ba si John Gokongwei? Marami ang nakarinig na at nakaka alam na ng kwento ng buhay ni John Gokongwei o kilala ngayon sa tawag na “Big John” dahil na rin sa dami ng kanyang pag-aari ng negosyo at kompanya.

Image Credit via Google




Ilan sa mga negosyo at kumpanyang kanyang pagmamay-ari ay ang Yes!Magazine, Robinsons Mall na isa sa pinakamalaking shopping mall at retail operator dito sa Pilipinas, Cebu Pacific Airlines, Chippy Curls, Cloud 9, Great Taste Coffee, C2 Green Tea, at ang J.G Summit Corp.

 

Ngunit saan nga ba nagsimula si John, at ano ang kanyang mga ginawa upang marating niya ang kanyang katanyagan ngayon. Ang buhay ni John ay parang isang gulong, sa una ay nagka-isip siya at lumaki na marangya ang kanilang pamumuhay, ngunit kalaunan sila ay naghirap hanggang sa naging isang bilyonaryo siya dito sa Pilipinas dahil sa kanyang pagsusumikap. Ipinanganak si John sa Fujian, Tsina noong ika-11 ng Agosto taong 1926.

Image Credit via Google

Isang taong gulang pa lamang siya ng ang kanyang pamilya ay pumunta dito sa Pilipinas at manirahan sa bayan ng Cebu. Marangya ang buhay nina John sa Cebu, nagmamay-ari sila ng mga movie house roon at ang kauna-unahang air conditioned movie house sa Metro Manila at kanilang pagmamay-ari din.

Nag-aral din siya sa isang sikat na Paaralan ang San Carlos University kung saan ay marami siyang kaibigan na lagi niyang inililibre na manood sa kanilang Movie House. Hatid-sundo rin si John ng kanilang kotse ng mga panahong iyon.

Image Credit via Google

Ngunit sadya ngang mapaglaro ang tadhana, dahil ng magkasakit at mamatay ang kanilang ama dahil sa sakit na Typhoid ay nawala rin lahat ng ari-arian nila. Naisanla ang kanilang kabuhayan,naibenta ang kanilang mga negosyo, mga sasakyan at kahit ang kanilang mansyon.




Tuluyan ngang naghirap ang kanilang pamilya, na umabot sa puntong pati ang kanyang mga kaibigan ay iniwan at nilayuan siya. Dahil sa pangyayaring ito, nagdesisyon ang kanilang ina na pauwiin ang kanyang mga kapatid sa bansang Tsina, dahil doon ay mas mababa ang pamumuhay.

Image Credit via Google

Dahil siya ang panganay sa kanilang magkakapatid ay kasama siyang naiwan rito ng kanyang ina upang mag magtrabaho ng may maipadala sa kanyang mga kapatid sa Tsina. Nagawang ibenta ng kanyang ina ang mga alahas nito ngunit hindi pa rin naging sapat ang mga ito.

Upang magkaroon ng pagkakakitaan ay naisipan nila ang gumawa ng roasted peanuts na binebenta nila sa likod ng kanilang bahay. Ngunit hindi pa rin naging sapat ang kanilang kinikita sa pagtitinda ng roated peanuts, kaya naisipan niya na magtinda sa palengke na malayo sa syudad kung saan ay bihira ang nagtitinda.

dito ay nagtayo siya ng isang maliit na pwesto kung saan ang kanyang mga paninda ay sabon, kandila at sinulid. Bakit sabon, kandila at sinulid ang naisip niyang itinda, dahil ayon sa kanya ang pamumuhay ng mga tao roon ay hindi marangya kaya ang mga ito ay ang kanilang mahahalagang pangangailangan sa pang araw-araw.

Image Credit via Google

Ang sabon ay ang ginagamit nila sa kanilang paliligo at paglalaba, ang kandila ay para sa kanilang ilaw sa madilim sa gabi at ang mga sinulid ay para sa naman sa kanilang pananahi ng mga damit. Ayon kay John ay araw-araw gumigising siya ng ala-singko ng umaga dahil sasakay pa siya ng bisikleta upang makarating sa palengke kung saan siya nagtitinda.

Hindi nga naging madali sa kanya ang lahat dahil sa edad nyang 15 anyos lamang noon ay halos mga lolo at lola na niya ang mga kasabayan niyang nagtitinda. Bente pesos kada araw ang kinikita ni John sa kanyang pagtitinda, at ang perang ito ay malaki na ang halaga ng mga panahong iyon.

Image Credit via Google

Dito niya kinukuha ang pangtustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya. At ayon sa kanya, sa bente pesos nagsimula ang lahat ng kung ano man ang meron siya ngayon. At naisip nga ni John noon na “ Kung kaya kong makipag kompetensya sa ibang tao pagdating sa negosyo sa edad kong kinse lamang, at nagawa kong suportahan ang aking pamilya, ay mas may magagawa pa ako at mas marami pa kong magagawa”.

Kung saan ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon na mas lalo pang pagbutihin at pag-igihan ang negosyong kanyang papasukin. Taong 1943 ng magsimulang lumago ang kanyang negosyo na kung saan ay nag-aangkat na siya ng kanyang produkto mula sa Cebu na dadalhin niya sa Manila.

Image Credit via Google

Yung perang kinikita niya mula sa kanyang mga naibenta, ito naman ang kanyang ginagamit at pamimili ng mga produkto na dadalhin niya at ibebenta sa Cebu. Talaga nga namang isang utak-negosyante si John.

Image Credit via Google

Ng matapos ang ikalawang digmaan dito sa Pilipinas, nakakita ng oportunidad si John na magtayo ng isang Trading Goods. Sa edad ng bente, ay itinayo nila ng kanyang kapatid na si Henry ang Amasia Trading na kung saan ito ay nag-iimport ng mga produkto galing sa US.

Taong 1948 naman ng pabalikin niya sa Pilipinas ang kanyang mga kapatid na nasa Tsina, napa ayos din niya ang kanilang bahay na kung saan ay napagnapagawan niya ito ng ikalawang palapag. Nagtulong-tulong ang kanilang buong pamilya sa pamamalakad ng kanilang negosyo.

Taong 1957, kung saan siya ay 31 taon na ay nagkaroon siya ng oportunidad na pasukin ang negosyong corn-starch manufacturing ngunit marami siyang kakumpetensiya ng mayayaman ng panahong iyon, ito ay sina Ludo at Luym. Naisipan ni John na humiram ng pera para simulan ang negosyo nyang iyon.

Ang unang bangko na kanyang nilapitan upang humiram ng pera na kung saan ayon sa kanya ay halos dalawang oras siya nag-antay para lang pala hindi aprubahan ang kanyang loan. Ang pangalawang bangkong kanyangn nilapitan ay ang China Bank, na kung saan ay nakahiram siya ng P500,000.




Makalipas ang ilang taon na magkita uli sila ng banker na tumulong sa kanya na maaprobahan ang kanyang loan na si DR. Albino Sycip, ay sinabi nito na may nakita siyang spesyal sa kanya kaya siya nito tinulungan. At para kay John ngayon ay isa pa rin itong tanong kung ano iyon, pero malaki ang kanyang pasasalamat kay Dr. Sycip hanggang ngayon.

Tinuruan din ni John ang kanyang kapatid at anak, kung paano ang tamang pamamalakad at pagpapalago ng negosyo. Dahil ayon sa kanya sa naging pagpanaw ng kanyang ama at pagkawala ng kanilang mga ari-arian noon ay ito ang kanyang natutunan na hindi naituro ng kanyang ama sa kanila ang tamang pamamalakad sa kanilang negosyo na ayaw niyang mangyari sa kanyang pamilya.

Kaya lahat ng kanyang kaalaman sa pamamahala ng kanilang negosyo ay itinuro niya sa kanyang kapatid at sa kanyang anak na si James bago siya nag retiro anim na taon na ang nakalipas. Nagkaroon din si John ng shares sa San Miguel Corp.

isa sa pinakamalaking kumpanya sa PIlipinas, noong una ay hindi pa siya kasama sa mga board ng naturang kumpanya pero dahil kanyang determinasyon at paniniwala sa kanyang kakayahan ay naging isa siya sa board ng nasabing kumpanya.

Ayon din kay John hindi naging madali ang lahat ng negosyong kanyang pinasok, nandiyan ang sinasabing ups and downs pero hindi ito naging hadlang sa kanya upang hindi marating ang kinaroroonan niyang tagumpay ngayon.

Nakipagsapalaran din siya na magnegosyo sa ibang bansa na kung saan mas maraming pagsubok at hamon ang kanyang naranasan, ngunit lahat ng mga ito ay kanyang nalampasan. At ngayon nga ay si John ang nagmamay-ari ng Cebu Pacific Airlines, ang Digital Mobile Philippines o mas kilala sa tawag na Sun Cellular, C2 Green Tea at ang Jack n Jill.




Pagmamay-ari din niya ang Blend 45 at ang Robina Farms. Maliban sa kanyang mga negosyo dito sa Pilipinas ay kilala din si John sa buong South East Asia bilang isa sa pinaka palaban at pinakamahusay na negosyante.

Ngayon ay patuloy ang pamamayagpag ng mga negosyo ni John sa ating bansa, lalo na ang kanyang mall na Robinsons kung saan isa ito sa mga tinatangkilik na pasyalan ng ating mga kababayang Pinoy.

Sa kabila nga ng mga pagsubok na dumating sa buhay ni John mula sa kanyang pagkabata, hanggang sa pagkakaroon at pamamalakad niya ng negosyo ay hindi nga ito inurungan ni John. Natuto syang harapin lagi ang hamon ng buhay, at kung may pagkakataon man na dumaraan siya sa mga ups and downs ay kanya itong malalampasan dahil sa natutunan niya na humanap ng palagi ng pagkakataon o oportunidad at wag susukuan ang hamon ng buhay.

Marami nga naman ang talagang humanga sa buhay ni John Gokongwei, dahil sino nga ba naman ang mag-aakala na ang dating nagtitinda lamang ng sabon, kandila at sinulid sa isang maliit na palengke, ay magkakaroon ng ilang negosyo at kompanya na nagtitinda at nag susupply na sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *