Narito Ang Masamang Epekto Ng Sobrang Paggamit Ng Cellphone, Lalo Na Kapag Gabi

Madalas na nating ang ating cellphone dahil sa dami ng naitutulong nito sa pangaraw-araw nating gawain sa buhay. Maliban pa rito, nagbibigay rin ito ng kasiyahan at pumapawi ng ating pagkabagot. Kaya sa bawat pagkakataon na nagkakaroon o nakakabili tayo ng cellphone, labis na kasiyahan ang ating nadarama. Mainam kasi ang cellphone bilang gamit sa komunikasyon, libangan, panguha ng litrato at iba pa.




Ngunit sa kaalaman ng lahat, bagamat malaki ang tulong nito sa panahon ngayon, may masamang epekto ang labis na paggamit ng cellphone sa ating kalusugan lalo na ang paggamit nito tuwing gabi. Dahil sa blue light na tinataglay nito, hindi maganda ang epekto nito sa ating mata.

Narito ang mga rason kung bakit hindi nakakabuti ang cellphone sa ating kalusugan:
Nasisira nito ang retina ng ating mata




Maaaring magresulta sa pagkabulag ng mata ang labis na paggamit ng cellphone. Dahil ito sa blue light na nilalabas nito na nagdudulot ng pagkasira ng ating retina; isang parte ng ating mata na tumatanggap ng mga ilaw na pumapasok sa ating mata at ginagawang neutral signal papunta sa ating utak. Nakakasira ng retina ng ating mata ang labis na blue light na dulot ng cellphone.

Naaapektuhan nito ang ating pagtulog

Dahil marami sa atin ang nawiwili sa paggamit cellphone tuwing gabi, minsan hindi na natin napapansin ang oras kayat palagi tayong napupuyat. Ang ilaw na lumalabas sa cellphone ay maaaring makaapekto sa produksyon ng ating melatonin; isang klase ng hormone na tumutulong upang mapasaayos ang ating pagtulog. Ang kakulangan sa melatonin ay maaaring magresulta kakulangan sa pagtulog na maaaring magdulot ng ibat-ibang uri ng sakit.

Naaapektuhan nito ang ating utak

Nakakaapekto ang radiation na lumalabas sa cellphone sa normal na takbo ng ating utak at ng ating memorya. Naapektuhan rin ang pagdaloy ng ating dugo sa utak dahil sa radiation at puyat na magdudulot ng pagkawala ng ating konsentrasyon at maaaring magdulot ng ibat-ibang sakit.




Nakakapagod ito ng mata

Dahil sa dami ng nagagawa ng cellphone, madalas tayong nakatutok dito kayat madalas rin tayong nakakaramdam ng pangangati sa ating mga mata at kung minsan pay naluluga tayo. Ang labis na pagiging tutok sa mga gadgets ang rason kung bakit labis ang pananakit ng ating mata na maaaring maging dahilan ng ating pagkabulag.

Maaari itong magdulot ng sakit

Ang melatonin ay isang antioxidant na pumipigil at nilalabanan ang ibat-ibang uri ng sakit. Dahil sa sobrang tutok natin sa cellphone, maaaring mabawasan ang produksiyon ng ating melatonin na magiging dahilan para tayo ay dapuan ng mas maraming sakit.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *