Narito Ang Mga Artista At Mga Magagarang Bahay Na Ipinundar Nila Para Sa Mga Mahal Nila Sa Buhay

Alden Richard

Lumaki si Alden na kasama ang kanyang Lolo at Lola, sa isang simpleng tahanan. Sa kanyang mga interview ay naikukwento nya na sa sala lamang sila natutulog at ang kanyang Lolo ay may chip pa ang hinihigaang kama.




Kaya ng ang kanyang karera sa industriya ay naging maayos at nag tuloy tuloy ang kanyang mga proyekto.

Image Credit via Google

hindi na nga siya nagdalawang isip pa na bumili ng maayos na tahanan para sa kanyang pamilya kung saan may silid tulugan na maging komportable ang dalawang matanda. Sa pagpili ng tahanan ay isinaalang alang ni Alden na dapat ay may silid tulugan sa ibaba.




Daniel Padilla

Hindi taliwas kay Daniel ang paghihirap ng kanyang inang si Carla Estrada sa pagpapalaki sa kanilang magkakapatid bilang isang solo parents, kaya sa kanyang edad na 19 kung saan abot na abot nya ang rurok ng tagumpay dahil sa sunod sunod na proyekto at pelikula.

Image Credit via Google

Bilang pasasalamat sa kanyang Ina ay niregaluhan niya eto ng isang malaki at maayos na bahay na may walong kwarto sa isang subdivision sa Fairview, Quezon City. Alam nya na ito ay matagal ng pangarap ng kanyang ina na si Carla, ang magkaroon ng isang bahay na masasabi nya na sa kanya nga talaga.

Piolo Pascual

Bumili siya ng bahay sa Los Angeles County California para sa kanyang Ina na si Amy, isang maayos at malaking bahay na kung saan ay may tatlong kwarto at swimming pool. Meron din itong isang cottage o bahay bakasyunan para sa aktor.

Image Credit via Google

Coco Martin

Isang nagmula sa hirap, na unti unting natupad ang pangarap.Isa sa pinakasikat at kilalang aktor ngayon dahil sa teleserye niyang “Ang Probinsyano”.

Image Credit via Google

Dahil sa kasipagan at determinasyon sa mga proyektong nagawa niya, hindi nga lubos maisip ni Coco Martin na nakapag pundar siya at makakapag pagawa siya ng malaking bahay. Noon ay wala sa isip niya na magkaroon ng malaking bahay.

Pero dahil na rin sa kanyang sunod sunod na proyekto, nadagdagan pa ng nadagdagan ang kanyang properties, sinabi niya na para ito sa kanyang mga kapatid.




Nilaanan nya din ng sariling silid ang kanyang Lola Matilde sa ground floor ng kanilang tahanan, kung saan ito ay maging komportable dahil ito ay may sariling banyo at bihisan.Ayon din kay Coco, noong kabataan niya ay mahilig siya maligo sa ilog kasama ang kanyang mga pinsan.

Kaya ngayon na maayos na ang kanilang pamumuhay, hindi siya nagdalawang isip at nagpagawa nga siya ng swimming pool sa kanilang bakuran para sa kanyang mga pamangkin at pinsan na nais magtampisaw roon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *