Narito Ang Mga Artista Na Nag Volunteer Sa Ginanap Na 30th SEA Games

Isa nga namang malaking paghahanda ang ginawa ng ating bansa para sa gaganapin na sa SEA Games, dahil ito ay isang history para sa atin na dito ito ganapin.
Hindi nga naman nawa sa ating mga Pilipino ang pagtutulungan “Bayanihan”, upang maging maayos at matagumpay ang gaganapin na SEA Games.

Photo Credit: maxine_medina/Instagram




Ilan sa ating mga sikat na artista ay hindi nag atubiling mag volunteer upang makatulong.
Noong April 2019, ang SEA Games Organizer ay naghanap ng mga Pinoy na gustong maging parte ng “passionate, committed and skilled volunteers” na tutulong sa gaganaping SEA Games.

At dahil likas sa ating mga Pilipino Ng magtulungan sa lahat ng pinagdaanan ng ating bayan, marami sa ating mga kababayan ang nagresponse sa nasabing panawagan na handa silang tumulong at mag volunteer at ang iba nga sa mga ito ay mga sikat na personalidad at artista.

Ito ang mga artista na kasama sa mga volunteer sa SEA Games:

Marian Rivera at Dingdong Dantes

Photo Credit: dongdantes/Instagram
Photo Credit: dongdantes/Instagram

Nagbahagi ang mag-asawa ng post sa kanilang Instagram na sila ay nakikiisa sa magaganap na SEA Games at kasama sa mga volunteer nito.

“The power of Filipinos volunteerism rocks! We have seen and felt in numerous events in our history. Now it’s our time to rock the SEA Games arena. Let’s do this #WeWinasOne.” Ang ibinahagi ng post ni Dingdong sa kanyang Instagram.

Maja Salvador

Photo Credit: iammajasalvador/Instagram

Sa kanyang Instagram naman ay ibinahagi din ni Maja na kabilang siya sa mga volunteers at nananawagan siya sa ating mga kababayan na magka-isa sa gaganaping malaking palaro dito sa ating bansa.

Matteo Guidicelli

Photo Credit: matteog/Instagram

Pagkatapos ang kanyang napabalitang engagement ay ibinahagi naman ng aktor na siya ay kasama sa mga volunteer sa gaganaping SEA Games. Sinabi rin ng aktor kung gaano ka importante ang pagkakaisa ng bawat isa sa atin sa gaganapin na malaking event na ito.

Maxine Medina

Photo Credit: maxine_medina/Instagram

Ang Beauty Queen/Actress ay kabilang din sa mga volunteer ng SEA Games n masaya niyang ibinahagi sa kanyang Instagram. “Ready to Rock” for the sporting event, ang naging post ni Maxine sa kanyang Instagram.

Pia Wurtzbach

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

Ang Miss Universe 2015 na si Pia, ay nagbahagi din sa kanyang Instagram na siya ay excited sa gaganaping SEA Games dito sa ating bansa.

“Isn’t it amazing that after 14 years, we are hosting the SEA Games again?! I’m excited to be part of this milestone so let’s make history together, volunteers! Let’s make the SEA Games yet!” ayon sa post ni Pia.




Muli nga namang magkaka-isa ang mga Pilipino sa gaganaping SEA Games dito sa ating bansa. Higit sa 9,000 Pinoy Volunteers ang muling magpapatunay na ang pagkaka-isa ang magiging daan sa ating tagumpay #WewinasOne #SeaGames.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *