Narito Ang Mga Benepisyo At Pagsubok Na Maaari Mo Kaharapin Kung Ninanais Mong Manirahan Sa Canada

Narito ang mga dahilan kung bakit at bakit hindi ka dapat lumipat sa Canada
Marami sa ating mga Pilipino ay nangingibang bansa dahil nga sa mas mataas na sahuran dito kumpara sa Pilipinas. Mas marami rin oportunidad sa ibang bansa dahil karamihan sa mga bansang maunlad ay nangangailangan ng mga empleyado para magtrabaho sa kanila.




Kaya naman tinitiis ng mga Pilipino ang lungkot para lamang may maipadala sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Bagama’t may mga Pilipinong nagtatrabaho lamang sa ibang bansa, may mga kababayan naman tayong piniling manirahan na ng permanente sa ibang bansa dahil sa kalidad ng serbisyo dito pagdating sa sahod, kalusugan, at edukasyon.

Isa ang Canada sa bansa kung saan napakarami nang mga Pinoy na naninirahan bilang isang residente. Sa katunayan nitong 2017 lamang ay lagpas 40,000 na Pinoy ang idineklara bilang residente ng Canada. Ngunit bakit nga ba Canada ang pinipili ng mga Pilipino na bansa upang manirahan at maging residente nito?

Maganda at de-kalidad na edukasyon ang inaalok ng Canada sa mga residente nito. simula 5 hanggang 17 taong gulang, libre ang pag-aaral ng mga residente ng Canada. Bagama’t libre ang edukasyon ay hindi pa rin pinapabayaan ng gobyerno ng Canada ang pasilidad at ang kalidad ng mga institusyon rito.

Hindi rin mahirap maghanap ng trabaho sa Canada dahil pinagbabawal sa kanilang batas ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga gustong magtrabaho pagdating sa kanilang kasarian, edad, at relihiyon. Respeto ang binibigay ng mga dating residente sa mga bagong salta. Sa katunayan, naitala noong 2018 ang pinakamamabang unemployment rate simula 1976 sa Canada na umabot sa 5.6 percent.

sa rin sa mga hinahangaan sa Canada ay ang kanilang pangangalaga ng medikal sa kanilang mga residente. Libre ang lahat ng residente ng Canada sa pagpapagamot at pagpapakain sa mga doktor. Bagama’t maraming benipisyo ang hatid ng bansang ito, kailangan mo pa ring paghandaan at alalahanin ang mga sumusunod.

Isa sa mga kinakailangan mong matutunan bago ka manirahan sa Canada ay ang mga wikang Ingles at Pranses dahil maaaring mapag-iwanan ka kung hindi ka pa sanay. Ilang buwan rin ang bibilangin bago ka masanay sa tono ng kanilang Ingles.

At dahil nga nasa hilaga ang lokasyon ng Canada, napaka lamig ang klima dito. Isang bagay na kasalungat ng klima natin sa Pilipinas. Kakailanganin mo ng maraming patong na damit para maiwasan ang lamig na hatid ng bansang ito. Panghuli, bagama’t libre ang karamihan sa kanilang serbisyo, ito ay dahil sa mataas na buwis na binabayaran ng mga mamamayan doon. Mahal manirahan sa Canada ngunit malaki rin naman ang kanilang pinakamababang sahod. Lipat ka na ba?




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *