Narito Ang Mga Celebrity Half-siblings Na Kasundo Ang Isat-isa

Marami ang mga magkakapatid na magka-iba ang ama at ang ina. Pero hindi lahat na may mga ganitong sitwasyon ay kasundo at kilala ang kanilang mga kapatid sa kanilang mga step-mom at step-father.




Sa showbiz ay may may mga magkakapatid na magkaiba man ang kanyang ama at ina, ay hindi naman ito naging hadlang upang sila ng magkapatid ay hindi magkasundo at maging malapit sa isa’t isa.

Kilalanin natin ang mga magkakapatid na ito;

Ara Mina at Christine Reyes – taong 2000 ng malaman ni Ara na hindi niya totoong ama ang tatay ni Christine na si Romeo Reyes, at nakilala niya ang kanyang biological father na si Chuck Mathay.

Image Credit via Google

Taong 2012 ng magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkapatid na nauwi sa demandahan, ngunit pagkalipas ng isang taon ay nagka-ayos din ang dalawa ng humingi ng tawad si Christine sa kanyang ate Ara. Si Ara at Christine ay magkapatid sa ina, na dating aktres na si Venus Imperial.

Gabby at Andi Eigenmann – magkaiba man ang kanilang ina, totoong magkapatid ang turingan ng dalawa sa isa’t isa. Si Gabby at Andy ay magkapatid sa kanilang ama na si Mark Gil, na pumanaw noong taong 2014.

Image Credit via Google

Ang ina ni Gabby ay ang former actress na si Irene Celebre, at si Jaclyn Jose naman na kilalang actress din ang ina ni Andy.

RJ at Daniel Padilla – magkapatid naman sa amang si Rommel Padilla sina Rj at Daniel. Ang ina ni Daniel ay si Karla Estrada at ang ina naman ni RJ ay hal-filipino at half-german na si Anabelle Antonio. Apat na taon pa lamang ng magkakilala ang magkapatid na ito.

Image Credit via Google

Zia Quizon at Karylle Tatlonghari – si Zia at Karylle ay magkapatid sa ina nilang si Zsa Zsa Padilla. Si Karylle ay anak ni zsa Zsa sa kanyang dating asawang si Dr.

Image Credit via Google

Modesto Tatlonghari, at si Zia naman ay anak niya sa kanyang long-partner sa pumanaw na Philippine King Comedy na si Dolphy. Tulad ng kanyang ina, ay magaling kumanta ang magkapatid na Karylle at Zia, noong 2013 nga ay nagkaroon sila ng back to back concert sa Australia.

Danica, Oyo Boy, Vico and Paulina Sotto – sila ay mga anak ng sikat na host-comedian na si Vic Sotto. Nakunan ng litrato ang mag-ama sa katatapos lang na kasal ni Vic sa kanyang asawang si Pauleen Luna.

Image Credit via Google

Ang ina nina Danica at Oyo ay si Dina Bonnevie na dating asawa ni Vic, si Vico naman ay anak ni Vic kay Connie Reyes at ang kanyang bunsong anak na babae na si Paulina ay anak niya kay Angela Luz na dating aktres.

Josh Aquino at Bimby Yap – anak ng Queen of All media, Kris Aquino. Si Josh ay anak ni Kris sa aktor na si Philip Salvador samantalang asi James Yap naman na isang basketball player ang ama ni Bimby. Ang dalawang magkapatid ay parehong nasa kustodiya ng kanilang inang si Kris.

Image Credit via Google

Jackie Lou Blanco at Monching Gutierrez – Magkapatid sa inang si Pilita Corales sina Jackie Lou at Monching. Ang ama ni Jackie Lou ay ang dating asawa ni Pilita na si Gonzalo Blanco, si Monching naman ay anak ni Pilita sa aktor na si Eddie Gutierrez.

Image Credit via Google

Malapit sa isa’t isa ang magkapatid na Monching at Jackie Lou kaya ng pumasok sa showbiz ang anak ni Monching na si Janine Gutierrez ay tuwang tuwa si Jackie Lou at suportado ang kanyang pamangkin sa desisyon nito.

KC Concepcion, Garie at Cloie Syquia Skarne – close at malapit sa isa’t isa ang tatlong magkakapatid na ito sa kabila ng pagkakaiba nila ng ina. Ang gwapong aktor na si Gabby Concepcion ang ama nina KC, Garie at Cloie.

Image Credit via Google

Ang ina ni Kc ay si Mega Star, Sharon Cuneta. Si Cloie naman ay anak ni Gabby kay Jenny Syquia, si Grace Ibuna naman ang ina ni Garie na dating kasintahan ng ama bilang aktor.




Sila lamang ang ilan sa mga magkakapatid na celebrities na nagpapatunay na sa kabila ng pagkakaiba nila ng isang magulang, ay hindi naman ito hadlang upang hindi sila tawaging isang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *