Narito Ang Mga Sampung Pinay Na Artistang Tinaguriang Pinakamaganda Sa Showbiz

Hindi nga naman maitatanggi na marami sa ating mga sikat na aktres ang pinagpala sa ganda, at isa ang ating bansa sa may mga magagandang kababaihan.




Ibinahagi ng Minneapolis-based media company Gazette Review ang listahan ng sampung aktres na may pinaka magandang mukha dito sa Pilipinas.

MARIAN RIVERA

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Ang nangunguna sa listahan. Nakilala at nagsimula ang magandang takbo ng karera ng Spanish-Filipino actress ng siya ang bumida sa Philippine Adoptation ng Mexican telenovela na “Marimar” na inilabas ng GMA TV network.

Tatlong beses na din hinirang bilang FHM Queen si Marian na kung saan siya ang kinilalang first Hall of Famer ng FHM Philippines. Siya din ay kilala bilang Kapuso Primetime Queen sa GMA network.

ANNE CURTIS

Photo Credit: annecurtissmith/Instagram

Nadiscover noong 1997 sa isang beauty pageant na kanyang sinalihan si Anne Ojales Curtis-Smith. Isa namang Australiano ang ama ni Anne at Filipina naman ang kanyang ina. Taong 2005 ng pagbidahan niya ang “Kampanerang Kuba” sa ABS-CBN.

Ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang karera ni Anne sa industriya at isa siya sa mga host ng noontime show na “It’s Showtime” na mapapanood sa ABS-CBN.

ANGEL LOCSIN

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Sa isang talent scout naman sa shopping mall nakilala at discover si Angel Locsin. Taong 2002 ng magsimula siyang umarte at lumabas sa telebisyon sa teen drama series na “Click”.

Taong 2004 naman ng gumanap siya bilang isa sa mga bida ng fantaserye ng “Mulawin” ng GMA. Hinirang din ang aktres na FHM Philippine Best woman ng taong 2005 at 2010.

Ngayong taon ay katatapos lang ng teleseryeng “The General’s daughter” kung saan bumida ang aktres.

COLEEN GARCIA

Photo Credit: coleen/Instagram

Si Danielle Claudine Ortega Garcia o mas kilala bilang Coleen ay nagsimula sa isang commercial sa TV noong 1994. Isa siya sa mga gumanap ng major role sa “Good Vibes” noong 2011 kung saan ito ay isang musical anthology.

Isa din siya sa mga dating host ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN, at tumigil sa pag hohost ng magdesisyon siyang magpakasal sa kanyang kasintahan na si Billy Crawford.

MAJA SALVADOR

Photo Credit: iammajasalvador/Instagram

Hindi lang magaling sa pag-arte si Maja, siya din ay biniyayaan ng galing sa pagsayaw kaya’t siya ay kilala bilang “Dance Princess”.
“Spirits” a supernatural series ang unang serye na pinagbibidahan ng aktres noong 2004, dito rin nagsimula ang kanyang karera at pagsunod sunod ang kanyang mga TV shows at pelikula.

KATHRYN BERNARDO

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Sa kid’s show na “GOIN BULILIT” nagsimula si Kathryn Bernardo, kung saan nahasa at nakita ang kanyang galing sa telebisyon. Pitong taon lamang ang aktres ng pumasok sa mundo ng showbiz.Taong 2011 sa seryeng “Mara Clara’ ay gumanap ang 20 year old actress bilang si Mara ang isa sa mga bida sa nasabing serye.

Ngayon ay kilala si Kathryn bilang Philippines Teen Queen dahil sa kanilang angking galing sa pag-arte at pagkakaroon ng mga pelikulang pumalo ng ilang milyon sa takilya at mga palabas sa TV na talagang sinusubaybayan ng kanyang mga tagahanga.

CRISTINE REYES

Photo Credit: cristinereyes/Instagram

Sa reality talent show naman ng GMA na “StarStruck” nakilala si Christine noong taong 2003. Isa din siya sa mga rank ng FHM Philippine Best Woman noong 2009. Gumanap din ang aktres na kontrabida sa seryeng Darna at Eva Fonda.

Ngayon ay isa pa rin sa kilalang aktres si Cristine Reyes, na makikita sa mga serye ng ABS-CBN Network.

LIZA SOBERANO

Photo Credit: lizasoberano/Instagram

Nagsimula sa pagmomodelo ng Filipino-American actress na si Hope Elizabeth Soberano dito sa Pilipinas noong taong 2010. Sa fantaserye ng ‘Wansapanataym’ naman ng ABS-CBN unang lumabas at bumida si Liza noong 2011.

KIM CHIU

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Nang magwagi bilang PBB Teen Edition Big Winner naman nakilala at nagsimula ang karera ni Kim sa showbiz. Sa ABS-CBN reality show na ito nakita ang kakayahan ni Kim bilang isang personalidad na hindi basta basta susuko sa hamon ng buhay. Una siyang umarte sa pelikulang ‘First Day High’ isang comedy movie noong 2006.

KC CONCEPCION

Photo Credit: itskcconcepcion/Instagram

Si Maria Kristina Cassandra Concepcion ay anak ng celebrity na si Gabby Concepcion at Sharon Cuneta kung saan minana ng aktres ang kanyang magandang mukha at angking galing sa pag-arte.




Halos 6 na taon ding naging host ng singer-actress na si KC sa ASAP ang long-time variety show ng Kapamilya Network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *