Narito Ang Sampung Naging Co-Hosts Ng Eat Bulaga Sa Paglipas Ng Panahon

Naging parte na ng buhay nating mga Pilipino ang panonood ng telebisyon. Sa katunayan, sa sobrang babad natin noon hanggang ngayon sa telebisyon, may mga programa pa ring nanatili magpahanggang ngayon dahil sa ating patuloy na pagsubaybay. Noong hindi pa nabuo ang mga makabagong gadgets, ang panonood ng telebisyon ay ang ating naging paraan ng pagsasama-sama bilang pamilya. Isa sa mga programang ating tinutukan noon ay ang “Eat Bulaga!.” 40 na taon nang umeere sa telebisyon ang programang ito simula nang ito’y magsimulang umere noong ika-30 ng Hulyo ng taong 1979 na noo’y nasa RPN-9 pa lamang.

Photo Credit: Google

Sa loob ng 4 na dekadang pagbibigay ng kasiyahan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon, naging marka rin sa mga Pilipino ang mga kasamahan nilang hosts na mga naggagandahang babae noon. Ngunit, sa paglipas ng panahon, marami na ang lumabas-pasok sa programa na mga babaeng hosts noon. Nasaan na ba sila ngayon at kamusta na ang kanilang buhay?




1. Taong 2014 ng lisanin ni Toni Rose Gayda ang Eat Bulaga! simula noong pumasok siya noong 1996 sa programang ito. Sa ngayon ay nagtatrabaho siya sa UNTV bilang host ng ASOP Music Festival na isang kompetisyon sa malikhaing pagsulat ng kantang pang simbahan. Maliban dito, pinili rin ni Toni ang pribadong buhay.

Photo Credit: Toni Rose Gayda/GMA Network

2. Tila naging “pioneering host” si Chiqui Hollman nang pumasok siya sa programang ng taong 1979. Matapos ang dalawang taon ay nilisan niya ito at lumipat sa Student Canteen at Lunch Date, kapwa karibal na programa ng Eat Bulaga! ng mga panahong iyon. Sa ngayon ay masaya siya sa kanyang pribadong buhay kasama ang kanyang asawang si Prandy Yulo.

Image Courtesy: Chiqui Hollman/PEP Facebook

3. 29 taong gulang noon si Coney Reyes nang pumasok siya sa Eat Bulaga! bilang kahalili ni Chiqui noong 1982. Ito rin ang naging simula ng kanyang karera sa showbiz. Hindi pa rin pagreretiro si Coney sa showbiz at sa katunayan nga’y parte pa siya ng isang programang ipapalabas pa lamang sa GMA-7. Siya rin ang ina ng bagong halal na alkalde ng Pasig na si Vico Sotto.

Photo Credit: Coney Reyes/Google

4. Walong taon naman ang tinanggal ni Christine Jacob sa programa ng pumasok ito noong 1990 hanggang 1998. Naging regular co-host rin ang gold-medalist swimmer noon. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho siya bilang host sa CNN Philippines at isang responsableng ina at asawa.

Image Courtesy: PEP/Facebook

5. Kilala bilang “Gracia,” pumasok si Samantha Lopez sa programa ng taong 1994 hanggang lisanin niya ito nang taong 1997. Katulad ni Coney Reyes, ito ang nagbukas ng kanyang karera sa showbiz at nagkaroon pa ng kanyang sariling programa. Naisipang pumunta ni Samantha sa New York upang magtrabaho dahil tumumal ang kanyang mga proyekto. Ngunit taong 2018 ay nagbalik telebisyon ulit ito.

Photo Credit: Push/Google

6. Isang kilalang komedyante, 8 walong taon ang itinagal ni Gladys Guevarra sa programa. Problema sa kalusugan ang dahilan ng kanyang manager kung bakit nilisan ni Gladys ang programa. Sa ngayon ay nasa Sunday PINASaya si Gladys at nananatili pa ring komedyante kapag gabi.

Photo Credit: Gladys Guevarra/Twitter

7. Dalawang beses na naglabas-masok si Sugar Mercado sa Eat Bulaga!. Ang una ay noong taong 2001 hanggang 2002 at 2004 hanggang 2007. Natalo man noon sa “TV Babe” naging parte naman siya ng “S3xbomb Girls.” Sa kasalukuyan, isa na siyang ina sa kaniyang dalawang anak at nagtatrabahong muli bilang host sa Wowowin.

Image Credit: Sugar Mercado/GMA Network

8. Bago pa man nakilala sa Pinoy Big Brother, 3 taon din ang tinanggal ni Toni Gonzaga sa Eat Bulaga! mula 2002 hanggang taong 2005. Matapos nito, lumipat siya sa ABS-CBN kung saan nabigyan pa siya lalo ng mas magandang karera sa hosting.

Image Credit: Toni Gonzaga/ Facebook

9. Alam niyo bang naging host din ng Eat Bulaga! ang sexy star na si Diana Zubiri? Taong 2003 nang pumasok siya sa programa at nilisan ito ng taong 2005. Ito ang naging pinto upang makasama siya sa Bubble Gang at Encantadia. Sa ngayon ay pinagsasabay ni Diana ang showbiz at ang pribadong buhay kasama ang kanyang asawang si Andrew Smith at ang kanyang dalawang anak.

Photo Credit: Diana Zubiri/PEP Facebook

10. Taong 2004 naman nang pumasok ang sexy actress na si Alicia Meyer sa Eat Bulaga!. Naging laman siya ng balita nang kumalat ang kanyang litrato ng nakahubad na ang tanging takip lamang ay “lettuce.” Sa ngayon ay nasa California siya kasama ang kanyang anak.
Sadyang napakabilis ng panahon. Naalala mo pa ba sila?

Image Credit: PEP/Facebook




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *