Narito Ang Trabaho Ng Ilang Mga Sikat Na Artista Ngayon Bago Nila Pinasok Ang Showbiz

Ilan sa mga sikat na artista sa showbiz, ay nagmula sa hirap o kaya naman ay nakaranas ng iba’t-ibang klase ng trabaho. Mga simpleng tao lamang noon ang mga personalidad na ito, na ngayon ay kilala na at mga sikat na sa industriya ng showbiz.




Willie Revillame

Image Credit via Google     

Bago nakilala sa industriya at naging sikat na host ng Wowowin ay naranasan ni Willie ang maging isang maglalako ng dyaryo at magtrabaho bilang “barker” ng jeep.

Ngayon ay isa ng sikat na host si Willie at dahil din sa kanyang kasipagan at pagtatrabaho ng matagal sa industriya ay marami na ang naipundar na ari-arian si Willie.

Nora Aunor

Image Credit via Google

ng tinaguriang “The Grand Dame of Philippine Cinema”, sinong mag-aakala na bago naging sikat na artista ay isa lamang naglalako ng tubig sa mga istasyon ng bus si Nora Aunor. Nagsimula ang kanyang karera sa pagkanta ng madiscover siya sa pagsali niya sa isang singing contest.

Isko Moreno

Image Credit via Google

indi naman lingid sa kaalaman ng lahat na bago pumasok sa showbiz si Isko Moreno, ay naranasan nito ang magtrabaho bilang basurero. Lumaban siya sa senatorial election noong 2016, ngunit hindi siya pinalad Manalo pero siyam na taon naman siyang nanilbihan bilang vice mayor ng Maynila.

Richard Gomez

Image Credit via Instagram

Maliban sa kanyang pag-aartista, ay pinasok na din ni Richard Gomez ang pulitika kung saan ito ang kanyang pinag kaka-abalahan ngayon. Pero bago narating ni Richard ang pag-aartista ay isa lang siyang crew ng isang fast food chain. Na kung saan dito rin siya nakita ng mga naka discover sa kanya.

Diether Ocampo

Image Credit via Google

Sa isang bar malapit sa ABS-CBN naman nagtatrabaho noon ang aktor na si Diether Ocampo, doon siya na discover. Dahil sa galing din sa hirap, ngayon ay isa si Diether sa mga active volunteer sa charitable works at meron din siyang mga advocacies na tumulong sa mga nangangailangan.

Marvin Agustin

Image Credit via Instagram

Bago naging sikat na artista at nagkaroon ng sarili chain of restaurant, pagtitinda ng halo-halo ang hanap-buhay noon ni Marvin. Naranasan din niyang magtrabaho bilang mascot, hanggang nadiscover nga siya ng siya ay nagtatrabaho na bilang waiter sa isang restaurant.

Jericho Rosales

Image Credit via Instagram

Isa sa pinaka gwapong aktor sa industriya na tinitilian ng mga kababaihan. Bago na discover sa pag-aartista, ay naranasan ni Jericho ang magtrabaho bilang driver at service crew ng isang pizza chain. Nagsimula ang kanyang karera sa industriya ng siya ay sumali sa Mr. Pogi ng Eat Bulaga at dito siya na discover.

Coco Martin

Image Credit via Instagram

Ang isa sa mga sikat na aktor sa ABS-CBN, isang dating OFW sa Canada si Coco. Janitor at pagiging waiter ang mga naging trabaho ni Coco bago siya naging isang artista. Ngayon nga ay isa si Coco sa namamayagpag ang career sa industriya kung saan ay hinirang na din siyang award-winning actor.

Manny Pacquiao

Image Credit via Instagram

Hindi nga naman lingid sa kaalaman ng tagahanga ni Manny ang kanyang inumpisahan hirap. Bago narating ang kanyang kinalalagyan ngayon, ang pagtatamasa ng magandang buhay maraming hirap ang pinagdaanan ng ating Pambansang Kamao.




Para makatulong sa pamilya ay nagtatrabaho si Manny bilang, sampaguita vendor, panadero, construction worker at kung ano-ano pa para lang kumita ng pera.

Hanggang sa madiscover nga ang galing niya sa pagboboxing, at doon magsimula ang kanyang karera bilang isang magaling na boksingero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *