Pinasok niya ang showbusiness sa murang edad lamang, kung saan ay limang taong gulang nga lamang siya ng sumabak siya sa pag-arte sa noontime show noon na MTB (Magandahang Tanghali Bayan). Matapos nito, ay sumabak naman siya at nakipagsapalarang sumali sa patimpalak ng mga bata noon sa telebisyon na ang “Batang F4”.
Samantala, tulad naman ng napakaraming nilalang sa daigdig ay isa si Nash sa bata pa lamang ay mayroon ng mga bitbit na pangarap sa kanyang buhay na nais niyang tuparin. Kaya naman nang tuluyan niyang mapasok ang Philippine showbiz ng sumali siya sa talent search na Star Circle Quest ng ABS-CBN noon kung saan ay naiuwi niya ang titulong Grand Kid Questor at special awards na Darling of the Press ay matagumpay ngang umarangkada ang kanyang karera sa telebisyon hanggang sa unti-unti na niyang natupad ang mga pinapangarap niya sa kanyang buhay.

Dahil nga sa naging sipag, tiyaga at determinasyon ni Nash sa kanyang trabaho sa mundo ng showbiz ay hindi nga lamang dito sa Pilipinas siya nakapagppundar ng tahanan, dahil kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ng 20-taong gulang na aktor na siya ay nakabili na ng kanyang sariling bahay sa ibang bansa, at ito nga ay sa Las Vegas Nevada sa Amerika.

Naging posible nga sa batang aktor na ito na sa edad niyang 20, ay makapagpundar na siya ng tahanan sa ibang bansa dahil sa tulong na rin ng kanyang ina na nagturo sa kanya kung paano ang tamang diskarte sa paghawak ng kanyang kinikita.

Matatandaan naman na si Nash Aguas ay isa sa mga child star na napapanood natin noon sa Kid’s Gag show ng ABS-CBN na “Goi’n Bulilit”. Isa rin siya sa mga nagbigay boses noon sa pangunahing tauhan na si Joey jones sa Tagalog dubbed version anime series na “Heroman”.

Napabilang din siya sa Sunday teen sitcom noon na ‘Luv U’ kung saan ay nakatambal niya ang teen actress na si Alexa Ilacad. Miyembro din “Gimme 5”, isang boyband group.
Sa dami nga ng mga naging proyekto at trabaho ni Nash mula pa noong siya ay bata pa hanggang ngayon na bente anyos na siya ay hindi na nga kataka-kataka ang pagiging matagumpay niya sa buhay. Kaya naman talagang nakaka-proud na sa kanyang edad, ay marami na siyang mga ari-arian na naipundar.

Maliban sa matagumpay niyang karera, ay masaya rin ang buhay pag-ibig ni Nash sa piling ng kanyang mahigit dalawang taon ng nobyang aktres na si Mika Dela Cruz. Si Nash at Mika ay naging magkasintahan simula pa noong ika-20 ng Oktubre taong 2018 hanggang sa kasalukuyan.