Nash Aguas Nakapagpundar Na Ng Isang Kumportableng Tahanan Sa Las Vegas Nevada

Bawat tao, bata pa lamang ay nagsisimula na ang magkaroon ng mga pangarap sa buhay, kung saan habang siya’y lumalaki at nagma-matured ay mas naiisip niya na bigyang katuparan ang lahat ng kanyang mga pinapangarap nung kanyang kabataan.




At marami nga sa atin na dahil sa pagsusumikap sa buhay, ay matagumpay ng nabigyan na ng katuparan ang mga pangarap na ito.

Image Credit via Google

Kagaya na nga lamang nito ay ang aktor na si Nach Aguas o sa tunay na buhay ay si Aeign Zackary Nash Victoriano Aguas. Batid ng marami sa atin, na ang kanyang karera sa industriya ng showbiz ay maagang nagsimula, dahil sa murang edad pa lamang ay napapanood na natin siya sa mga serye noon na kanyang kinabilangan.

Image Credit via Google

At dahil nga sa tagal ng karera ni Nash sa industriya ng showbiz, ay masasabi nga natin na isa siya sa mga aktor na talaga namang punong-puno ng determinasyon na matupad ang kanyang mga pinapangarap sa buhay.

Image Credit via Google

Kaya naman sa kanyang matagumpay na karera sa industriya ay hindi na kataka-taka na maipundar na niya ang mga pangarap niyang ito, kabilang na nga ang pagkakaroon ng kanyang sariling bahay sa ibang bansa.

Image Credit via Google

Sa edad ngang 20-taong gulang na ngayon ni Nash Aguas, ay natupad na niya ang pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay sa ibang bansa, at ito nga ay sa Las Vegas Nevada. Isa ito sa maituturing niyang bunga ng kanyang naging pagtitiyaga sa trabaho at pagiging masinop at madiskarte sa pag-gamit ng perang kanyang kinikita.

Image Credit via Google

Malaki rin ang naging tulong at tiwala ng kanyang ina para makamit niya ang tinatamasa niyang tagumpay sa kanyang buhay ngayon. Matatandaan na limang taong gulang lamang si Nash ng una siyang sumabak sa pag-aartista. Una siyang sumabak sa pag-arte sa show noon na MTB, mataps nito ay sumali naman siya sa isang pambatang contest noon na Batang F4.

Image Credit via Google

Taong 2004 ng sumali si Nash sa Star Circle Quest, isang talent show ng ABS-CBN kung saan ay nagwagi siya at naiuwi niya ang titulong Grand Kid Questor at special award na Darling of the Press. Napabilang rin siya noon sa defunct Kids show na Goi’n Bulilit.

Maliban naman sa pagiging isang aktor ay kabilang din si Nash sa isang boy band group na nakilala bilang ang Gimme 5. Sa mga nagdaang taon niya sa showbiz ay naging katambal niya ang aktres na si Alexa Ilacad, at ang isa nga sa kanilang pinagtambalan ay ang “Luv U”, isang teen sitcom na mapapanood noon tuwing araw ng Linggo.




Ngunit ngayon ay masaya ang buhay pag-ibig ni Nash sa piling ng kanyang kasintahang aktres na si Mika Dela Cruz. Ang relasyon umano ng dalawa ay nagsimula pa noong ika-20 ng Oktubre taong 2018.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *