Natatandaan Nyo Pa Ba Ang batang Gumanap Bilang Anak Ni Marian Rivera Sa Teleseryeng “Marimar”

Siguro ay iniisip niyo na parang pamilyar sa inyo ang mukha ni Francesca “Cheska” Salcedo o ang karakter na si Norilyn sa seryeng “Kambal, Karibal.”Ito ay dahil minsan niyo na ngang nakita sa telebisyon ang noon ay batang bata pa na si Cheska ng siya ay gumanap bilang si “Cruzita” sa Philippine Adaptation na seryeng “Marimar” na inere sa telebisyon ng GMA network taong 2007.




Matatandaan na, nang ipalabas sa telebisyon ng Kapuso Network ang “Marimar” na pinagbibidahan ng Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay naging isa ito sa pinaka top-billed series ng Kapuso.

Image Credit via Google

At sadya ngang mabilis ang paglipas ng panahon, dahil ang batang “Cheska” na kinagigiliwan natin noon bilang si Cruzita sa Marimar ay dalaga na ngayon sa edad niyang 16-na taong gulang.

Image Credit via Google

Habang hindi pa dumarating sa karera ni “Cheska”, ang pagkakaroon niya ng isang malaking proyekto ay patuloy namang ipinapakita ng teen actress ang kanyang angking talento at galing sa pag-arte hanggang sa narating niya ang pangarap niya na maging big star.

Image Credit via Google

Ilang proyekto na rin sa telebisyon ang nakita na lumabas at kabilang si Cheska, ilan sa mga ito ay ang local adaptation ng “Rosalinda” kung saan siya anmy gumanap bilang ang batang si Fiedra na karakter naman ni Katrina Halili sa kanyang paglaki.

Image Credit via Google

Kabilang din siya sa “Trudis Bulilit” bilang si Sugar Ferrer at sa “Amaya” naman bilang si Binayaan.Taong 2014 naman ng ang 16-taong gulang na aktres ay mapasama sa medical drama na “Obsession” sa TV5 kung saan ay kasama niya rito sina Bianca King at Neri Naig.

Image Credit via Google

Ang huling drama na ginawa ni Chesla ay ang “Kambal, Karibal” noong 2015.
Gumanap rin si Cheska bilang ang karakter na si “Chelsea” sa psychological thriller na “Black Lipstick”, na inilabas noong 2019.




Mayroon rin siyang sarili niyang Youtube Channel, kung saan ay ini-upload niya ang kanyang mga song cover. Hinahangaan rin si Cheska ng maraming netizens at kanyang mga tagahanga dahil sa kanyang pananamit na laging nasa uso at karaniwan nga sa kanyang mga outfit ay tulad ng pananamit ng kanyang mga K-Pop fashion idols.

Leave a Reply

Your email address will not be published.