Natatandaan Nyo Pa Ba Ang Magaling Na Dancer Ng Wowowee Na Si Luningning Heto Na Pala Ang Kanyang Magandang Buhay Ngayon

Napakaganda na pala ng buhay niya ngayon. Si Lea Carla Santos o mas nakilala ng publiko bilang si Luningning, ay dating miyembro ng ASF dancer’s ng programang Wowowee na mapapanood noon sa ABS-CBN.



Bata pa lamang si Luningning ng magsimula siya sa pagsasayaw, at noon nga ay sinubukan din niya ang maging isang entertainer sa Japan. Isa si Luningning sa mga dancers na talagang sumikat dahil sa kanilang angking galing sa pagsasayaw lalo na sa paggiling.
Photo Credit: luningning_08/Instagram
Bawat musika nga na pinapagtugtog noon sa programang Wowowee, at isayaw ito ni Luningning ay talaga namang nasisiyahan sa kanya ang mga manonood. Maging ang kanyang cartwheel dance at nakakamanghang pag-split ay ay talagang napapahanga ang mga viewer’s ng programa.
Photo Credit: luningning_08/Instagram
Ngunit hindi nga nagtagal ang popularidad ni Luningning sa telebisyon, ito ay matapos mawala sa ere ang Wowowee. At dahil nga dito nagdesisyon si Luningning na iwan ang showbiz industry at mamuhay na lamang ng simple at normal.
Photo Credit: luningning_08/Instagram
Matatandaan na taong 2010 ng mawala sa telebisyon ang isa sa maituturing na magaling na dancer, at simula ng noon ay wala ng ano pa man ang nabalitaan tungkol kay Luningning.
Photo Credit: luningning_08/Instagram
Samantala, kamakailan lamang ay muling binuksan ni Luningning ang kanyang buhay sa publiko, ito ay matapos niyang magbahagi ng ilang larawan niya sa kanyang Instagram kung saan ay makikita na napakasaya niya sa buhay niya ngayon.
Ayon sa dating dancer ng Wowowee, matapos niyang iwan ang showbiz ay nagtayo siya ng negosyo na kung saan ay mai-apply pa rin niya ang kanyang talento sa pagsasayaw at ngayon nga ay nagmamay-ari na siya ng isang fitness studio at ito ay ang “Stardanz Fitness Studio”.
Photo Credit: luningning_08/Instagram
Marami nga nag mga serbisyong pang-ehersisyo ang ino-offer ng Stardanz Fitness Studio na pagmamay-ari ni Luningning, tulad na lamang ng Aerial Silk, Kali Pole, Belly Dance, Stilettos, Jazz Dance, Hoops, Dance Fitness at Pilates.
Hindi nga lamang ang goal ni Luningning sa pagtayo ng negosyong ito ay ang magamit ang kanyang passion sa pagsasayaw, kundi ang tulungan din ang kanyang mga magiging customer na i-maintain ang kanilang good figure.



Maliban nga sa pagiging isang magaling na dancers ni Luningning, ay hinahangaan din ng marami sa kanya ang kanyang ganda at angking kasexy-sihan. Matatandaan nga na noong 2008 ay na-feature si Luningning sa FHM Magazine.
Nanatili ring single ang dating dancers ng Wowowee ngayon, ngunit ayon sa kanya ay kahit wala pa siyang lovelife ay masaya ang kanyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *