Natatandaan Nyo Pa Ba Si Jinky Oda Isang Komedyante Noon Sa Pelikulang “Ok Ka Fairy Ko”, Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon

Noong dekada 80 hanggang 90, ay isa si Jinky Oda sa mga komedyanteng nakilala at sumikat sa industriya ng showbiz sa Pilipinas.



Kung inyo siyang natatandaan? Ay marahil maaalala niyo rin na isa siya sa mga kabilang na karakter sa pelikula noon na “Ok Ka Fairy Ko”, na pinagbibidahan ng aktor at komedyanteng si Vic Sotto, kung saan ay gumanap si Jinky bilang si Bale.
Image Credit via Google
Ilan pa sa mga serye sa telebisyon kung saan ay kabilang si Jinky Oda, ay ang Mara Clara The Movie, Una Ka Naging Akin at Humanap Ka ng Pangit.
Image Credit via Google
Bago pa man naging isang kilala na komedyante noon si Jinky Oda, marami rin itong dinanas na hirap ng buhay, tulad na lamang ng sa kanyang paglaki ay hindi niya nakagisnan ang kanyang ama, dahil ayon sa ilang mga ulat ay hindi umano nito pinanagutan ang responsibilidad nito sa kanila ng kanyang ina.
Image Credit via Google
Ang ina ni Jinky Oda ay isang Pilipina, samantala isang black American naman ang kanyang ama, at dito nga niya namana ang kulay ng balat na taglay niya.
Image Credit via Google
Maliban sa pagiging isang komedyante, ay naging isang endorser rin noon si Jinky.
Isang kilala at sikat na sabong pampaputi umano ang kumuha sa kanya upang maging endorser nito, at ito nga ay ang sabong pampaputi na “Glutamax”.
Image Credit via Google
“Actually, nagulat ako kung bakit ako ang pinili nila. Kakauwi ko lang from Australia noon at ang taba-taba ko.
Image Credit via Google
As usual negra pa rin naman ako. Noong nilapitan ako para sa product na ito, hindi muna ako naconvince, kasi hindi naman ako naniniwala na mag-iiba pa ang kulay ng balat ko. Pero sa naging paliwanag nila sa akin,sinubukan ko na rin”, ani ni Jinky tungkol sa naging pag-endorso niya noon sa sabon na Glutamax.
Image Credit via Google
Sa paglipas ng panahon, kung saan ay marami na ring iba pang mga magagaling at bagong komedyante ang nakadiskubre, ay humina ang karera ni Jinky sa showbiz, hanggang sa nahinto na ito ng tuluyan.
Image Credit via Google
Dahil sa nawala na ang kanyang karera sa industriya ng showbiz, ay mabuti ni Jinky na magtungo sa California, sa US kung saan siya naninirahan ngayon kasama ang kanyang anak na nakapagtapos naman ng military sa nasabing bansa.
Malayo sa industriya ng showbiz ang tinatahak na karera ngayon ni Jinky, dahil mula sa pagiging isanng komedyante ay isa na siyang private nurse sa California ngayon. Naging isa rin siyang Activity Director sa isang home care facility sa nasabing bansa, at paminsan minsan pa ay rumaraket din siya bilang isang performer doon.
Samantala, noong taong 2015 naman ay naparangalan si Jinky Oda ng Certification of Completion from the Actors Guild of the Philippines.



Masasabi nga natin, na masaya ang dating komedyanteng si Jinky Oda sa pamumuhay niya ngayon sa US kasama ang kanyang anak, subalit naghahanap pa rin umano ang dating komedyanteng aktres ng pagkakataon na makapasok sa showbiz sa Amerika.
Upang ipagpatuloy niya ang kanyang hilig sa pag-arte at maging proud din sa kanya ang mga kababayang Pinoy na naroroon. Ano ang masasabi niyo sa buhay ngayon ng dating komedyanteng si Jinky Oda?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *