Natatandaan Nyo Pa Ba Si “Ningning”, Ang Isa Sa Mga Promising Star Ng ABS-CBN Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon

Naaalala niyo ba ang bibong bata na gumanap bilang si “Ningning”, isa rin siya sa mga promising child star ng ABS-CBN network, siya ay walang iba kundi ang cute at napaka bibong bata na si Jana Agoncillo.




Unang minahal ng marami si Jana Agoncillo ng siya ay lumabas sa telebisyon noong taong 2015, kung saan ay gumanap siya bilang si Ningning at ang isa sa mga aktor na kasama niya dito ay si Ketchup Eusebio.

Photo Credit: janapatching/Instagram

Isa ang ang seryeng “Ningning”, sa inaabangan at sinusubaybayan ng maraming manonood noon dahil sa ganda ng kwento nito na kapupulutan ng magandang-aral hindi lang para sa bata pati na rin sa mga matatanda.

Photo Credit: janapatching/Instagram

Dahil nga sa seryeng ito, ay minahal ng marami ang batang si Ningning o si Jana Agoncillo sa totoong buhay, at ang kanyang talento at galing sa pag-arte ay talagang tumatak sa maraming manonood. Kaya naman maging ang kanyang mga co-star ay napabilib niya at humanga sa kanya.

Photo Credit: janapatching/Instagram

At dahil sa naging maganda ang pagtanggap ng mga manonood sa seryeng “Ningning”, muling binigyan ng proyekto si Jana ng matapos niya ang serye.

Photo Credit: janapatching/Instagram

Muli ngang napanood ang batang si Jana Agoncillo sa seryeng Honesto at Dream Dad.
Tunay nga na sa kanyang murang edad, ay nakagawa na ng pangalan sa industriya ng showbiz ang batang si Jana Agoncillo.

Photo Credit: janapatching/Instagram

Sa katunayan ay nagkamit na rin siya ng ilang parangal, at hindi naging hadlang sa kanya ang pagiging bata pa niya upang makamit ang mga parangal kahit pa nga ba ang kalaban niya sa mga ito ay mas may edad na sa kanya.

Photo Credit: janapatching/Instagram

Matatandaan na noong 38th Catholic Mass Media Award, ay isa ang serye ni Jana na “Ningning” sa nanominate bilang “Best Drama Series”.

Photo Credit: janapatching/Instagram

Maliban pa nga rito, ay nakuha rin ni Jana ang parangal na “Best New Female TV Personality”, kung saan ay matagumpay niyang nakamit ito mula sa mga nakalaban na sina Loisa Andalio, Maine Mendoza at Maris Racal.

Matapos naman ang naging magandang takbo ng career ni Jana dahil sa tuloy tuloy ang kanyang mga proyekto, ay marami ang nakapansin ngayon na bihira ng mapanood ang batang aktres sa telebisyon. Ilan sa mga sources ang nagsabi na mas binigyan muna ng prayoridad ni Jana ang kanyang pag-aaral.

Noong nakaraang taon na naman, ay ginulat ni Jana ang marami niyang tagahanga at mga manonood ng siya ay muling magbalik telebisyon. Ito ay ng lumabas siya sa seryeng “Starla”, kung saan ay ginampanan niya ang lead role bilang ang bituin na kailangan makapag-grant ng mga good wishes upang siya ay maging isang full-pledge wishing star.




Ngayon, ay muli na namang kumikinang ang career ni Jana bilang most promising Young Star ng Kapamilya Network.

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na, nakikita nila na maaring pag nag dalaga na si Jana Agoncillo ay nahahawig ito sa aktres na si Beauty Gonzales o kaya naman ay kay Coleen Garcia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *