Neri Naig Ipinagmamalaki Ang Kanyang Hardin Kung Saan Siya Umaani Ng Mga Sariwang Gulay

Ang 34-taong gulang na si Neri Naig – Miranda o mas kilala ng marami sa atin bilang si Neri Naig ay isang aktres at negosyante na nakilala ng publiko ng siya ay nagwagi bilang 6th runner-up sa ABS-CBN reality show na “Star Circle Quest.”

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram




Matatandaan naman na taong 2014 ng magpakasal si Neri sa kanyang kasintahan na si Chito Miranda, ang kilalang bokalista ng sikat na bandang Parokya ni Edgar. Ang mag-asawa ay dalawang beses ikinasal, ang una ay isang civil wedding na ginanap noong Disyembre 13 at kinabukasan nito ay ginanap naman ang kanilang formal wedding sa Tagaytay.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Taong 2015 naman buwan ng Agosto ng ang mag-asawa ay dumaan sa isang pagsubok at ito ay ng makunan si Neri sa unang maging anak sana nila ni Chito. Hindi naging madali sa mag-asawa ang pangyayaring ito, ngunit dahil sa pagmamahal at pagpapakatatag nila para sa isa’t isa ay nalampasan rin nila ito.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Ang sumunod na taon na naman, Hunyo 2016 ay masayang ibinalita ng mag-asawang Neri at Chito sa publiko na sila ay magkaka-anak ng muli sapagkat nagdadalang-tao na muli si Neri. Ngayon nga ay malaki na ang kanilang anak, at ito ay nasa tatlong taong gulang na.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Nitong nakaraan naman ay muling naging usapan si Neri sa social media dahil sa naging pagbabahagi niya ng kanyang hardin kung saan siya ay may tanim na iba’t-ibang klase ng mga prutas at gulay.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Sa kanyang vlog ay masayang ibinahagi ni Neri ang kanyang munting taniman, kung saan ito ay isang hardin na tinataniman ng mga gulay at prutas.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Ayon kay Neri sa hardin niyang ito siya nakakapag-ani ng mga sariwang gulay at prutas na nilalaro niya para ihain sa kanyang pamilya, at ilan lamang sa mga niluto niyang ito ay ang napakasarap na chopsuey at nilagang mais.

Talaga namang iba ang naitutulong sa isang pamilya kung sa bakuran ng tahanan ay may isang munting hardin o taniman na natutunan ng mga gulay at prutas.




sapagkat sa mga pagkakataon na dumating ang krisis katulad na lamang nitong naging epekto ng Covid-19 na nakahome quarantine ang lahat at limitado ang paglabas sa bahay ay may mapagkukunan ang pamilya ng ilang masustansyang makakain sa oras ng pangangailangan.

Marami naman ang humanga kay Neri, at naging inspirasyon siya ng ilang mga magulang na mahalaga sa panahon ngayon ang magkaroon ng mumunting taniman , sapagkat bukod sa alam mong sariwa at malinis ang mga gulay at prutas na iyong maani ay makakatipid ka pa nga naman kesa bumili ka pa sa palengke.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *