Neri Naig Ipinagmamalaki Ni Chito Miranda Dahil Sa Pagiging Wais At Praktikal Na Misis Nito

Sa buhay may asawa ay may mga bagay nga naman na minsan ay hindi pinagkasunduan, at madalas nga sa mga ito ay kapag ang usapan ay dahil sa pera.Madalas nga nating naririnig na ang usaping pera ang isa sa mga nagiging sanhi ng bangayan, away at hiwalayan ng mga mag-asawa.




Ngunit paano nga ba dapat iniha-handle ng mag-asawa ang kanilang pera? Upang hindi ito maging sanhi ng kanilang pag-aaway o hindi pagkakaunawaan.

Photo Credit: chitomirandajr/Instagram

Ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig, ay tinalakay ang usaping pera pagdating sa mag-asawa sa kanilang Instagram live.

Photo Credit: chitomirandajr/Instagram

Sa live video na ito, ay buong pagmamalaki na pinuri ni Chito Miranda ang kanyang asawang si Neri. Dahil ayon sa kanya, ay isa itong misis na praktikal at hindi maluho. Kapag may pera umano ito, ay hindi ito mahilig bumili ng kung ano-ano, bagkus ay itinatabi niya ito at pinag-iisipan kung paano niya pa ito mas mapapalago.

Photo Credit: chitomirandajr/Instagram

“Talagang kinareer niya. Si Neri, never nayan bumili ng mga bags, never nayan bumili ng mga mamahalin. Hindi bumili ng super luho, kasi ….what made her feel good was having more money.”

Photo Credit: chitomirandajr/Instagram

“So iyong pera na ginawa niya, , instead na gastusin niya, kung saan saan niya ine-invest na businesses. All money was directed to businesses. “

Photo Credit: chitomirandajr/Instagram

“Instead of buying stuff, you spent it on things that would make you more money.”
Ayon sa naging kwento ng mag-asawa, noong dalaga pa umano si Neri ay napaka-magastos nito, na halos tuwing may kikitain siya ay talagang may nakahanda na ang pinagkakagastusan.

Photo Credit: chitomirandajr/Instagram

At si Chito nga, ang nagturo kay Neri kung ano at paano ang gagawin nito upang mabago ang gawain nito pagdating sa kanyang kinikita.

“Kung may kikitain kang pera, instead of finding ways kung paano mo gagastusin, find a ways kung paano mo siya palalaguin. Iyon ang pinakamagandang pagtripan. Sobrang enjoy yan, kasi parang game eh.”

“Kunwari may pumasok na PHP12,000, iyong PHP 10,000 save mo na and find a ways kung paano mo palalakihin ang PHP10,000.”




Sa kanilang live video na ito rin inamin ni Chito, na magka-iba ang bank account nilang mag-asawa. Si Neri ay may sarili nitong bank account, upang mas malaya niyang nagagamit ang sarili niyang pera sa mga nais nitong i-investan, samantalang ang bank account naman ni Chito ay inilalaan nila para sa kanilang mga gastusin sa bahay.

Ayon pa nga kay Neri, magaling si Chito sa paghandle ng budget, kaya naman sa kanilang dalawa ay ito ang nagba-budget pagdating sa mga gastusin nila sa bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *