Neri Naig Masayang Ibinahagi Na Natapos Niya Ang Kanyang Online Class Sa Harvard University

Sino nga ba naman ang hindi nangangarap na makapag tapos sa isang magandang unibersidad, tulad ng Harvard University? Marami nga naman talaga sa atin ang nagnanais na makapasok sa prestihiyosong Unibersidad na ito.




Samantala, dahil sa pagkakaroon ng lockdown dulot ng [email protected]@, ay ini-offer ng maraming unibersidad at mga paaralan ang pagkakaroon ng online class, at isa na nga rito ang Harvard University, kaya naman may ilan na sinubukan ito.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Isa na nga sa mga sumubok na kumukuha ng online class course sa Harvard University ay ang actress-businesswoman na si Neri Naig, na nag-enrolled ng entrepreneurship program sa nasabing unibersidad.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Matapos nga ang apat na buwan na pagpupuyat at pagtitiyaga sa kanyang pag-aaral sa kinuhang kurso online, ay masayang ibinahagi ni Neri na natapos na niya ang kanyang online course.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

Sa Facebook account ng actress-businesswoman, ay makikita ang kanyang naging pag-upload ng kanyang mga natanggap na certificate mula sa kanyang naging pagtatapos sa Harvard University. Kalakip nga nito, ay naging pagbabahagi ni Neri na nakapagtapos na siya ng Entrepreneurship Essential program sa Ivy Legue School.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

“Sulit lahat ng puyat. Never stop learning. Kapag gusto, gagawa talaga tayo ng paraan”, saad nga ng asawa ni Chito Miranda.

Photo Credit: mrsnerimiranda/Instagram

“Sabi nga ni Aj Agrawal, CEO ng Alumnify. ‘The beat entrepreneurs in the world don’t act like they know everything”, dagdag pa ni Neri Naig.

Sa post rin na ito ni Neri Naig sa kanyang Facebook account, ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng importansiya ng patuloy na pagdaragdag kaalaman, kaya kung may oportunidad, ay hindi ito dapat palampasin.

“When we are looking to learn as much as possible, there’s less of a chance that we will come off as arrogant.”

“They don’t make themselves look smart, they make others looks smart.”
Matatandaan na noong buwan ng Agost,o, taong kasalukuyan (2020) ng ibahagi ni Neri Naig ang kanyang pag-enroll sa Harvard Business School.




“Walang excuses dapat. Paano ko malalaman ang hindi para sa akin, kung hindi ko susubukan, [di] ba”, saad nga ni Neri.

Panibago ngang achievement ito para sa masipag na asawa ni Chito Miranda na si Neri Naig, na talaga namang nakaka-proud na ibahagi. Congrats! Neri!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *