Netizens Inihambing Ang Childhood Photos Ni Marian Rivera Sa Kanyang Dalawang Cute Na Anak Na Sina Zia At Ziggy

Sa industriya ng showbiz, isa sa aktres na may pinakamagandang mukha ay ang napakaganda at sexy aktres na si Marian Rivera. Isa siyang Spanish-Filipina aktres at commercial model na sa tunay na buhay ay kilala ng kanyang pamilya bilang si Marian Rivera Gracia-Dantes.




Ikinasal siya noong December 30, 2014 sa gwapong aktor na si Dingdong Dantes o sa tunay na buhay ay si Jose Sixto Raphael “Dingdong “Gonzales Dantes III.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Maituturing nga naman na isang Wedding of the Year, ang naging kasal ng dalawa dahil sa napakagarbo nito at mga kilalang personalidad sa showbiz at pulitika ang ilan sa kanilang mga naging bisita.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Ngayon nga na halos nasa anim na taon na ang pagsasama bilang mag-asawa ng dalawa ay nabiyayaan na sila ng dalawang pinaka cute na mga anak at ito ay sina Zia Dantes at Ziggy Dantes.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Ilan nga sa mga netizens ang nakapansin kung gaano kahawig ng dalawang bata ang kanilang mommy na si Marian Rivera, may ilan pa nga na nagsabi na nakuha ng mga ito ang mestiza looks nito.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Kamakailan nga lamang ay nagbahagi ang aktres ng kanyang cute childhood photos, kung saan ay inilakip niya rin dito ang childhood photos ng kanyang dalawang anak na kitang-kita nga naman ang pagkakahawig sa kanya.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Isa nga sa mga tagahanga ni Marian ang nag komento na #Twins, dahil sa animo’y kambal na bata nga ang mga nasa larawan (baby photos ni Marian, Zia at Ziggy).

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Samantala, may ilang mga netizens naman ang nagsasabi na ang pangalawang anak ng mag-asawang Dingdong at Marian na si Ziggy Dantes ay kumuha ng mukha at mas nahahawig sa daddy niito kaya naman tinatawag nilang “Mine Me” version ito ng nasabing aktor.




Sa kabila naman ng community quarantine ngayon dito sa ating bansa, ay ginamit ng mag-asawa ang oras at panahon na ito na makabonding ng matagal ang kanilang mga anak.

Makikita nga sa Instagram account ng mag-asawang Dingdong at Marian, ang masayang bonding moments nilang mag pamilya sa kanilang tahanan sa kabila ng community quarantine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *