Netizens Nagulat Sa Malaking Pagbabago Na Ginawa Ng Child Singer Na Si Ehla

Nympha Marami ang nagulat at namangha sa malaking pagbabago na nangyari sa buhay ngayon ng child singer na si Elha Nympha. Ito ay matapos magpost ng child star ng kanyang mga larawan sa kanyang Instagram account, kung saan ay makikita ang malaking pagbabago sa kanyang pangangatawan.




Makikita sa Instagram account ng ngayon ay tila dalaga ng si Elha Nympha ang kanyang naging pagbabahagi ng ginawa niyang transformation sa kanyang pangangatawan na di umanoy talagang pinaghirapan niyang makamtan.

Photo Credit: elhamaenymphaofficial/Instagram

Namangha ang maraming tagahanga ng child singer ng makita ang larawang ibinahagi nito sa kanyang Instagram kung saan ay nakasuot ito ng jeans at crop top, na nagpapautang sa iniliit ng kanyang pangangatawan at sa pagkakaroon nito ng kurba na talaga namang nakakabighani na.

Photo Credit: elhamaenymphaofficial/Instagram

Ayon kay Ehla, ang pagbabagong ito sa kanyang pangangatawan ay nakamit niya noong nagkaroon ng community quarantine. Dahil sa hindi naman umano makalabas sa tahanan ang isang menor de edad na tulad niya, ay naisipan niyang gawin ang improvement na ito sa kanyang sarili.

Photo Credit: elhamaenymphaofficial/Instagram

Sa panayam kay Ehla ay sinabi nito na dumaan siya sa striktong pagedata at araw-araw siyang nag work-out upang makamtan ang pangangatawan niya ngayon. Sinabi rin ng child singer na ibabahagi niya sa kanyang Youtube vlog ang mga bagay na kanyang ginagawa upang magpapayat. “Di po tayo titigil guys (kasi) di ko pa po nare-reach goal ko.

Photo Credit: elhamaenymphaofficial/Instagram

Gagawa ako vlog tomorrow about sa weight loss ko”, saad nito. “Sa mga nagtatanong kung ano ang kinakain ko? dalawang kutsarang kanin every meal. 2x a day kumakain at nag work out”, dagdag pa nito. Bago pa pala magkaroon ng COVID-19 ay nagsimula ng mag-gym si Ehla at ito ay ibinahagi niya ng siya ay maging guest sa Magandang Buhay.

Photo Credit: elhamaenymphaofficial/Instagram

Mas sinipag pa umano siyang mag-gym dahil may mga kasabayan siyang singer sa pagpunta roon upang mag-ehersisyo. “Mga last month po nagdecide po akong mag-gym, kasi may mga kasama po ako. Kasama ko po sina ate Janine, at may iba pa po kaming kasama, sina ate Angela Muhlach.”

Photo Credit: elhamaenymphaofficial/Instagram

“Nako-compare ko rin po yung sarili ko sa iba, lalo na po sa physical appearance ko. Pero hindi naman po ako nagpapa apekto don’t. Yong ginagawa ko po ngayon, is gusto ko po, gusto ko pong mangyari sa sarili ko.




Feeling ko po kasi pag ginawa ko itong pag-eexercise, magiging healthy po ako.” Sa naging panayam nga rin kay Ehla ay sinabi nito na kaya niya ginawa ang pagpapayat at pag-ehersisyo araw-araw ay dahil sa mas nararamdaman niya ang mas makakabuti ito sa kalusugan ng kanyang katawan.

Isa rin ba kayo sa namangha sa malaking pagbabago sa pangangatawan ni Elha Nympha? Ano ang masasabi niyo sa naging kinalabasan ng kanyang striktong pag dyeta at pag-ehersisyo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *