New Hair Style Ni Ivana Alawi Pinalitaw Pa Lalo Ang Taglay Niyang Ganda

Bago matapos ang taong 2020, ay pinamangha ng YouTube vlogger-actress na si Ivana Alawi ang marami niyang mga tagahanga at taga-suporta dahil sa kanyang bagong “hairstyle”.




Nito nga lamang ika-8 ng Disyembre ay ibinida ni Ivana ang kanyang bagong hairstyle, na mas lalo pang nagbigay sa kanyang “fresh young look” awra. Ito nga ay sa pamamagitan ng kanyang pagbabahagi ng kanyang bagong mga larawan sa kanyang Instagram.

Photo Credit: adrianneconcept/Instagram

Ang bagong hairstyle na ito ni Ivana, ay para sa kanyang bagong endorsement na gagawin. At wala naman itong naging problema, dahil sa talagag bagay na bagay sa kanya ang wavy short hair, na kung saan tila siya’y isang buhay na manyika, dahil sa ito ay bumagay sa kanyang napakaliit at maamong mukha.

Photo Credit: adrianneconcept/Instagram

Wala namang anumang ibinahaging detalye si Ivana sa kanyang post, kung ang kanya bang wavy short hair, ay wig lamang o kung siya’y totoong nagpagupit. Wala namang anumang bakas kung wig ba ang short hair na ito ng vlogger-actress.

Photo Credit: ivanaalawi/Instagram

Para naman sa maraming mga tagahanga ni Ivana, ay aprubado nila kung talagang pinagupitan nito ang kanyang buhok, dahil bagay na bagay naman sa kanya ang short hairstyle.

Photo Credit: ivanaalawi/Instagram

Ayon nga sa ilang mga komento ng mga netizens, ay bumata pa lalo tingnan ang 23-taong gulang na actress-vlogger sa kanyang maikling buhok. Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens sa bagong look ni Ivana, dahil sa kanyang new hair style;

“Wow, bagay short hair ganda Mariam” “Sobrang bagay po ng bagong hairstyle” “Kahit maiksi buhok, ganda pa din.” “ANG GANDA MO SA SHORT HAIR” “Grabe lods! Parang bumata ka sa new hair mo ng 5 years.”

“Ugh,! Thats short hair was even more beautiful with you.” Ang larawan ngang ito ni Ivana, kung saan makikita ang kanyang short hairstyle look sa kanyang Instagram, ay umani na ng 600 libong likes at marahiil ay mas nadagdagan pa ito sa paglipas ng mga araw.

Samantala, kamakailan nga lamang ay panibagong milestone na naman nga ang na-unlock ni Ivana, sa pagiging isa niyang vlogger. Ito ay matapos lamang ang higit isang taon na pagiging isa niyang vlogger, ay na-hit na niya agad ang magkaroon ng 10-million na mga subscribers bago matapos ang taong ito.




Matatandaan na taong 2019, ng magsimula sa pagba-vlog si Ivana, at ang kanyang kauna-unahang vlog ay ini-upload niya noong ika-28 ng Agosto 2019.

“HAPPY 10 MILLION!!!! [crying emoji, red heart emoji, smiley with heart emoji] 1 year and 2 months on YouTube. Thank you for making this possible We love you!!! Alawi Family”, ang naging pagbabahagi ng ani Ivana sa kanyang IG. Dahil dito ay makakatanggap ng isang Diamond Creator Award si Ivana Alawi mula sa YouTube.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *