‘New Look’ Ni Cassy Legaspi Pinuri Ng Mga Netizens Dahil Sa Kagandahan Nito

Si Cassy Legaspi ay isa sa mga bagong bituin ng Kapuso network na nagsisimulang umusbong ang karera at mas makilala pa sa industriya dahil sa kanyang ipinapamalas na husay at talento bilang isang aktres at host.




Maliban sa pagiging isang batang aktres, ay mas naunang nakilala si Cassy bilang isa sa kambal na anak ng celebrity couple na sina Carmina Villaroel at Zoren Legapsi.
Nito nga lamang nakaraan, ay umani ng papuri si Cassy sa mga netizens dahil sa kanyang bagong hairstyle na talaga namang bumagay sa kanya at mas nagpalitaw pa ng kanyang taglay na kagandahan.

Photo Credit: cassy/Instagram

Mas naging agaw-pansin pa nga ang dalagang Legaspi, dahil sa ‘new look’ nga nito ngayon ay isang Korean actress ang nakahawig nito.

Mababasa sa mga naging komento ng mga netizens patungkol sa new look ni Cassy na naging kahawig nga ng dalaga ang Korean actress na si Han Soo Hee, dahil sa kanyang bagong hair style.

Photo Credit: cassy/Instagram

Si Han Soo Hee ay nakilala ng maraming mga Pinoy sa isa sa mga sikat at populat na Korean Drama na “World of Married” na naipalabas noong taong 2020.

Photo Credit: cassy/Instagram

Noon pa man ay marami na ang nakapapansin ng pagkakahawig ni Cassy sa nasabing Korean actress, ngunit ngayon nga sa bagong hair style ng dalaga ay mas lalo pa ngang lumitaw ang pagkakahawig niya kay Han Soo Hee.

Photo Credit: cassy/Instagram

Nito nga lamang nakaraan, ay makikita sa Instagram story account ng Zero 1 Story Salon ang naging pagbabahagi nila ng larawan ni Cassy kung saan nga ay masisilayan ang new hairstyle ng actress na ginawa nila at hinango nga sa Korean-inspired hairstyle.

Agad namang bumuhos ang napakaraming mga komento sa post na ito ng nasabing salon, dahil nga sa pagkamangha ng mga netizens sa mas naging pagkakahawig ni Cassy sa sikat na Korean actress.

Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens; “Akala ko si Nabi”
“Agree! She looks like Nabi of Nevertheless! Ang Ganda!” “Ay ang preety ni Cassandra looking like a Korean Superstar”

Samantala, ibinahagi naman ni Cassy ang kanyang reaksyon sa mga nagsasabing kahawig niya ang nasabing Korean actress sa isang presscon, kung saan ayon nga sa kanya ay talaga namang hindi niya napigilan ang kiligin sa mga papuri sa kanya at sa mga nagsasabi nga na ang kanyang ganda ay maikukumpara sa sikat na Korean actress na si Han Soo Hee.

Ngunit iginiit naman ng dalaga, na kung siya ang tatanungin, ay hindi niya nakikita sa sarili ang pagkakahawig niya sa Korean actress. “Everyone saying that, especially in social media po….

I’m really kilig, but, at the same time, I don’t see it. She’s way, way prettier guys, as in!”, ang naging pahayag ni Cassy. Ibinahagi naman ng dalaga kung bakit niya naisipan na magkaroon ng bagong look.




Naikuwento din niya na dahil sa hilig niya sa K-Pop kaya naman naging Koren-Inspired ang kanyang ‘new hairstyle’. ‘Na-inspire lang ako sa mga interests ko which is K-Pop para lang maiba at mas healthy yung buhok’, ani Cassi.

Dagdag pa niya, “Well, I guess, I just felt like it kasi after First Yaya, parang sabi ko, ‘Change look na ako, palaging nakaganun si Nina Acosta. So dapat iba na for Cassy Legaspi, that’s why I change the look.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *