Newly Wed Matteo At Sarah Guidicelli Namili Ng Mga Kagamitan Para Sa Kanilang Bagong Tahanan

Sa kabila ng mga kontrobersiya dahil sa naging pangyayari ng kaguluhan sa simple at sikretong kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ay hindi naman maialis sa dalawa na ngayon ay mag-asawa na ang lubos na kasiyahan na kanilang nadarama.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram




Naging usap-usapan nga sa social media ang kasalang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kung saan ay nag trending pa nga ang Mr. & Mrs. Guidicelli. Ngayon ay muli na namang nagbigay ng ingay sa social media ang bagong mag-asawa na Matteo at Sarah dahil sa kanilang naging masayang pamimili ng mga kagamitan na para umano sa bago nilang bahay na karaniwang ginagawa ng mga bagong kasal.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram

Nitong nakalipas na Miyerkules lamang February 26, 2020 sina Mr. & Mrs. Guidicelli ay masayang namili ng mga kagamitan para sa kanilang bahay, katulad na lamang ng mga glassware.

Sa Instagram ni Dra. Vicki Belo ay ibinahagi niya ang isang video clip ng mag-asawang Sarah at Matteo na masaya at kitang-kita na sweet na namimili kasama ang kanyang anak na si Scarlet Snow na tumutulong sa pagpili ng mga gamit pang kusina katulad ng mga pinggan, utensils at mga tasa.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram

“Shopping for the house. Tita Sarah is moving for her new house so they are buying plates and utensils and cups. And Matteo is pretending he knows what he’s doing”. Saad naman ni Vicki Belo sa naturang Video.

Sa parehong araw ding iyon ay namili din umano si Sarah sa isang Mall sa Makati ng kanyang mga damit. Nagpasalamat naman si Matteo Guidicelli kay Dra. Vicki Belo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mensahe ng pasasalamat sa kanyang Instagram.




Ayon sa post ni Matteo ay nagpapasalamat siya sa pagsama sa kanila ni Dra. Vicki Belo sa kanilang pamimili ng kanilang mga kagamitan para sa kanilang magiging bahay at nag-enjoy umano silang dalawa ng kanyang asawa na ngayon na si Sarah Geronimo.

Photo Credit: victoria_belo/Instagram

Lubos din umano ang kanyang pasasalamat sa labis na pagmamahal ni Dra. Vicki para kay Sarah. Matatandaan naman na noong February 20, 2020 ng sikretong magpakasal ang magkasintahan Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Victory Church sa Taguig City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *