Nico Bolzico Inihayag Ang 12 Pangako Para Sa Anak Nila Ni Solenn Heusaff Na Si Thylane

Kasabay ng pagdiriwang ng Bagong Taon noong 2020, ay ang naging pagsilang ni Solenn Heusaff sa panganay na anak nila ng kanyang asawang si Nico Bolzico, na pinangalanan nilang si baby Thylane.




Sa bawat buwan na nasusubaybayan ng mga netizens ang paglaki ni baby Thylane o baby Tili, ay isa nga siya sa mga celebrity kid, na talagang nagbibigay aliw at saya sa mga ito.
Labing-dalawang buwan na nga ang lumipas ng isilang si baby Tili at nito nga lamang ika-1 ng Enero 2021, ay nagdiwang na ito ng kanyang ika-1 kaarawan.

Photo Credit: certified_solenn/Instagram

Makikita nga sa Instagram ng mag-asawang Solenn at Nico, ang naging pagbabahagi nilanng ilang mga larawan na kuha sa naging pagdiriwang nila ng unang kaarawan ng kanilang si baby Thylane.

Photo Credit: certified_solenn/Instagram

Mababakas naman sa mukha ni baby Thylane sa kanyang mga larawan, ang ngiti at saya, na nadarama ng isang musmos pang bata, kasama ang kanyang mga magulang habang masayang ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan.

Photo Credit: certified_solenn/Instagram

Isang mensahe naman para sa anak ang isinulat ni Nico sa kanyang Instagram post, kalakip ang mga larawan na kuha sa unang kaarawan ni baby Tili, at ang menshae niyang ito bilang isang ama ay talaga namang umantig sa puso ng mga netizens.

Photo Credit: certified_solenn/Instagram

Ayon nga kay Nico, si baby Thylane, ay dumating sa espesyal na taon sa kanilang buhay “where most things didn’t go as planned”. Dagdag pa nga ni Nico, ay the best year para sa kanilang mag-asawa ang taong 2020, dahil sa pagdating ni baby Tili sa buhay nilang mag-asawa.

Photo Credit: certified_solenn/Instagram

Bilang isang sweet at best dad kay baby Tali, ay may 12 pangako si Nico para sa anak nila ni Solenn. Ibinahagi nga rin ni Nico sa kanyang Instagram, ang 12 Pangako niya para kay baby Thylane, “[he ]will keep forever.”

Photo Credit: certified_solenn/Instagram

Narito nga ang 12 na Pangako ni Nico para kay baby Thylane 1. I will love you unconditionally. 2. I will dedicate the first 2 hours of all my mornings to you, you can decide to spend them with me or not. 3. I will be there in all your big moments, you are the one who decides what a big moment is.

4. I will guide you to be a good person towards everyone, I will guide you by example. 5. I will respect and love your mum. 6. I will make you proud. 7. I will allow you to choose your own path in life and support it. 8. I will never lie to you.

9. I will have long meaningful conversation with you whenever you allow me to. 10. I will protect when you need to be protected. 11. I will remind you how much your mum loves you.
12. I will try not to reject every suitor you bring home.

Dagdap pa ni Nico, ang mga pangako niyang ito para sa anak, ay madadagdagan pa, havang ito at lumalaki. “As you grow I will add more promises and will ask you to help me. Te amo Thylane.” ani ni Nico.




Samantala, nagbigay rin si Solenn ng kanyang matamis na mensahe para sa unang anak na si Thylane, kung saan ay ibinahagi nito kung gaano niya kamahal ang anak.
“Love of my life. You are 1 today. What a crazy year, but the best with you.

Thank you for being my best teacher. Will keep learning from you, and my love for you will never stop growing. Stay wild and be who you want to be. Te amo!!!!📸”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *