Nicole Donesa Isinilang Na Ang Anak Nila Ng Aktor Na Si Mark Herras

Noong ika-31 ng Enero, ay isinilang na ng Kapuso actress na si Nicole Donesa ang panganay na anak nila ng aktor na si Mark Herras, at ito nga ay isang malusog na baby boy na pinangalanan nilang si Mark Fernando Donesa Herras o baby Corky.




Sa Instagram ni Mark, ay masaya at proud niyang ibinahagi ang larawan ng kanyang mag-ina, at kalakip nito ay ang mensahe niya sa kanyang partner na si Nicole, dahil sa naging matapang ito na maisilang ng maayos at ligtas ang kanilang anak.

Photo Credit: nicole_donesa/Instagram

“Hi I’m Corky. Wasaap! Very good mameeh!!!” ang naging caption nga ng Kapuso dancer-actor. Ayon pa kay Mark, si baby Corky ay isinilang na may bigat na 7.3 pounds at haba na 53 cm, kaya naman talagang makikita na malusog ito.

Photo Credit: nicole_donesa/Instagram

Makikita naman sa IG story ni Nicole ang naging pagbabahagi niya ng larawan ni Mark habang kalong-kalong nito ang kanilang baby, at ito ay nilakipan niya ng maikling caption na ‘Guess what?’

Photo Credit: nicole_donesa/Instagram

Maliban pa rito, ay may isa pang larawan na ibinahagi si Nicole, kung saan naman ay makikita ang na masayang pinagmamasdan ni Mark ang kanilang si baby Corky, habang ito ay karga ng isa nilang kaanak na nakasuot ng facemask. Caption ni Nicole sa larawang ito, “Thank you, Lord”.

Photo Credit: nicole_donesa/Instagram

Marami naman sa mga kaibigan at katrabaho nina Mark ay Nicole sa industriya ang nagpa-abot ng kanilang pagbati para sa dalawa, at iwinelcome rin ng mga ito ang naging pagdating ni baby Corky sa buhay ng magpartner.

Ilan nga sa mga celebrity na nagpaabot ng pagbati kana Mark at Nicole, ay sina Rocco Nacino, Rochelle Pangilinan, Direk Mark Reyes, Joross Gamboa, Drew Arellano, Yasmien Kurdi at marami pa ngang iba.

Samantala, bago pa nga ang naging araw ng pagsilang ni Nicole, ay nauna munang ibahagi ng mag-partner sa publiko ang naging paghahanda nila sa nalalapit na pagdating ng kanilang baby, at kung gaano sila ka-excited na masilayan na ito.

Ayon ng kay Mark ay talagang super excited siya na makita si baby Corky. Inilahad din ng aktor, ang kanyang mensahe para kay Nicole, sa magiging pagsilang nito.

“Itchy, I love you!! Alam ko nahihirapan – napapagod, puyat – pero malakas ka naman, my itchy at mamaya lang kasama na natin si Corky. Love you!!! Konting tiis na lang my love.”

Sa vlog ninaMark at Nicole, ay mapapanood ang mga naging kaganapan bago pa man ang naging pagsilang ni Nicole, tulad ng ilan sa kanilang naging paghahanda bago sila pumunta sa hospital.




Ang love story nina Mark at Nicoe ay nagsimula ng magsama sila sa isang serye ng GMA, at ito ay ang “Bihag” na mapapanood noon tuwing hapon.

Buwan ng Agosto taong 2019 ng kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon, at noon lamang nakaraang taong 2020, buwan ng Agosto ng mag-propose si Mark kay Nicole. Buwan ng Setyembre 2020 naman ng i-anunsyo nina Mark at Nicole sa publiko ang pagdadalang-tao ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *