Kahit na abala ang ilang mga celebrity mommy sa kanilang mga trabaho sa mundo ng showbiz, ay hindi naman nila nakakalimutan na maglaan ng oras kasama ang kanilang pamilya, upang makapag-relaks at makapag-bonding. Halimbawa na lamang nga nito ay ang celebrity mom na sina Nikki Valdez at Jolina Magdangal, na nito lamang nakaraan ay magkasama na nag-camping trip kasama ang pamilya nila.
Nito lamang ngang nakaraang weekend naganap ang camping trip ng Kapamilya celebrity moms na sina Nikki at Jolina, ung saan sa kani-kanilang Instagram account nga ay kanya-kanya nilang ibinahagi ang mga candid moments nila habang sila ay nasa camp adventure.

Ayon sa aktres na si Nikki Valdez, minsan na niyang naranasan ang mag-camping noong kanyang kabataan, kaya naman tila ngayon na nag-camping siya kasama ang kanyang pamilya ay nagbalik sa kanya ang masasayang alaala ng camp adventure niya noong siya ay bata pa kung saan ay marami nga silang mga bagay na natutunan.

Saad pa niya, noon pa man ay talagang hilig na niya ang mga outdoors activity tulad nito, dahil kapag nakakakita nga siya ng magandang tanawin ay iba ang kasiyahan na naibibigay nito sa kanya. “I have always loved the outdoors! For some reason, being one with nature has always given me a sense of liberation and unexplained happiness”.

“I love how this camping trip reminded me of what my weekends as a child used to be— we learned how to do things on our own and found joy in the simplest things. So happy that now as a parent, we get to hand down to our kids this kind of experience.”

Ibinahagi din ng 41-taong gulang na celebrity mom ang kasiyahan niya na bilang isang magulang ay mapa-experience niya sa kanyang mga anak ang ganitong adventure. Samantala, labis din ang kasiyahan ni Jolina na ma-experience ang pagka-camping, lalo pa’t ayon sa kanya ay hindi niya nagawa ng maranasan na mag-camping outdoor.

Dagdag pa ng celebrity mom, masaya siya na naparanas niya sa mga anak niya ang ganitong adventure. “I remember nung bata ako sa kwarto namin kunyari nasa camping ako. Tapos lagi ako naa-amaze sa mga tent na nasa taas ng sasakyan. I never thought na darating yung time na magagawa ko ito but yes, nagawa ko na.”
Ilan naman sa mga kaibigan nina Nikki at Jolina ang nagbigay komento sa masayang camping trip nilang ito, kabilang na nga rito si Melai Cantiveros at dating Vice President Leni Robredo. “Sussss ang gaganda and saya nmn ng naggagandahang momshies,” komento naman ng host at entertainer na si Melai Cantiveros. “Love you both,” komento ni dating vice president Leni Robredo.