No Makeup Photos Ni Lucy Torres Na Talaga Namang Nagpakita Ng Kanyang Natural Na Kagandahan

Si Lucy Torres ay isang dating aktres, na matapos iwanan ang mundo ng showbiz ay pumasok naman siya sa pulitika, kung saan ngayon ay isa siyang congresswoman. Ayon sa mga bagong ulat tungkol sa dating aktres.




tuwing walang pasok tulad ng araw ng Sabado at Linggo, ay mas madalas na ginagawa ni Lucy ang paborito niyang activities, at ilan nga sa mga ito ay ang pagbasa at pagsulat ng journal na talaga namang nakakatulong sa kanya upang siya ay makapag-relaks.

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

Nito nga lamang ika-4 ng Oktubre araw ng Linggo ay nagbahagi si congresswoman Lucy Torres sa kanyang Instagram account, ng kanyang larawan kung saan siya ay abala sa pagbasa at ito ay nilakipan niya ng caption na; “And how is your Sunday so far?” “Mine is a stretch of quiet joys – the last chapters of a book to read, a page in my journal to fill up, a present to wrap.”

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

Ng makita naman ng mga netizens ang larawan na ito ng dating aktres, at ngayon ay isa na ngang congresswoman, ay talaga namang ang umagaw ng kanilang pansin ang nakita nilang natural na ganda na taglay ni Lucy Torres, ito ay dahil sa walang anumang makeup o pustara ang dating aktres sa nasabing larawan.

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

Makikita naman sa comment box ang naging mga komento ng dalagang anak ni Lucy na si Juliana Gomez, na hindi rin mapigilan ang purihin ang taglay na ganda ng kanyang ina.
“You are so beautiful!!!”, ang naging saad nga ni Julianna..

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

Maging ang host-actress na si Alex Gonzaga, ay talaga namang napamangha sa natural na ganda ni Lucy, na napaka-ageless. “Padala naman ng konting ganda dito sa Taytay ms. Lucy!!!

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng papuri ng mga netizens sa gandang natural na taglay ni Lucy Torres. “Divine beauty. <3” “ka gwapa ba oi.

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

“Beautiful! Looking young Ms Lucy! Looks happy and contented life”
“When the angels sprinkled beauty dust.. you inhaled most of its goodness!”
Base sa ilang mga source, upang mapanatili ang ageless young beauty look ni Lucy Torres, ay mga simpleng skin-care routine lamang ang ginagawa nito.

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

Gumagamit umano ito ng Snail White Gold Cream bilang moisturizer sa kanyang balat, at hindi ito lumalabas ng kanilang tahanan ng hindi naglalagay ng proteksyon sa balat sa sikat ng araw o sunblock.

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

Isa rin umano sa mga natutunan ni Lucy Torres na “beauty tips” mula sa kanyang Lola na si Carmen Martinez ay ang dapat pagtanggal ng makeup tuwing natutulog, at ito nga ang patuloy na ginagawa niya hanggang ngayon.




Maliban pa nga sa mga ito, ay regular din ang ginagawang pagbisita ni Lucy sa kanyang paboritong beauty clinic, kung saan siya nagpapa-treatments, katulad na lang ng Ultherapy, at deep oxygen facial, na tumutulong upang mas lalo pang ma-lift at mag-tighten ang kanyang balat.

Tunay nga naman na napakaganda ni Lucy Torres, may makeup man o wala. Ano ang masasabi niyo sa gandang taglay ni Lucy, na tila hindi man lang tumatanda sa kabila ng kanyang umaangat na edad?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *