“Not To Give Up” Mensahe Ni Jane De Leon Sa Kanyang Sarili Para Sa Kanyang 21st Birthday

Sa pagdiriwang ng kanyang ika -21 taong kaarawan, ay gumawa ang aktres na si Jane De Leon ng sulat para sa kanyang sarili, sa dating Jane na kung saan ay muntik ng sumuko na tuparin ang kanyang mga pangarap.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram




Sa kanyang sulat na nakapangalan sa kanyang sarili ay nakalagay ang:
Dear Past Jane, You just entered an extremely tough industry girl! I know exactly what you’re feeling right now – the uncertainties, the insecurities and the constant fear of not knowing if you’ll ever get your big break.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Life is though, and I know it’s hard for you to commute with that bulky luggage of yours, from workshop to castings to shoot like you used to before. Naalala mo ba yung time where you had to run after a bus dahil alam mong you’d be late if you missed it? Kamusta naman yung mga panahong halos sa ABS ka na matulog dahil wala kang sapat na pera to head back home to Laguna after your workshop?”

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Sa sulat na ito nga na ginawa niya para sa kanyang dating sarili ay inilahad ni Jane ang kanyang mga pinagdaanan sa kanyang pag-umpisa sa showbiz. Mga panahon na naisip na niyang mag quit at tuluyan ng kalimutan ang kanyang pangarap, pero nagpapasalamat pa rin sitya dahil kahit marami siyang hirap na pinagdaanan ay hindi niya nagawang bitawan ang kanyang pangarap.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Sinabi niya sa kanyang sarili na “ Huwag ngayon, because big things are about to happen. I promise!”. At hindi nga nagkamali ang aktres na bumitaw sa kanyang mga pangarap, dahil ngayon ay binigyan siya ng isang big break at ito ay pag ganap niya bilang “Darna”, na kung saan ito ay kanyang pinagbibidahan.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Lubos nga ang pasasalamat at papuri ng aktres sa ating Poong Maykapal, dahil sa mga biyaya na kanyang natatanggap at mga biyaya na patuloy pang darating sa kanyang buhay at career.




Ayon pa sa aktres “We’re almost there! Kaya AJA!!!, love Present Jane”
Patuloy nga ang pagtupad ni Jane sa kanyang mga pangarap na lumikha ng pangalan sa industriya ng showbiz, at ang “Darna” ang isa sa magiging daan at simula niya na lumipad at abutin ang kanyang minimithing pangarap.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *