Officially Married Na Ang Aktor Na Si Rocco Nacino At Volleyball Player Na Si Melissa Gohing

Tila nga nauuso ngayon ang secret weddings at revelation sa social media after, lalo na sa mga kilala nating celebrity sa showbiz. At nabibilang na nga sa mga ito, ang naging kagulat-gulat na rebelasyon ng aktor na si Rocco Nacino, sa kanyang naging post noong ika-22 ng Enero 2021.




Sa nasabing petsa nga, ay ibinahagi ni Rocco sa kanyang IG account na siya at ang kanyang nobyang volleyball player na si Melissa Gohing ay ikinasal na.
“Yes.. we… did – 21-1-21, Meet my wife Mrs. Melissa Gohing – Nacino”, ang naging post nga ng aktor.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Base nga sa naging post ni Rocco, ikinasal sila ng kanyang nobyang si Melissa, noong ika-21 ng Enero, bago pa nga ang araw na i-anunsyo niya sa social media na sila’y mag-asawa na.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Ayon nga sa naging ulat, sina Rocco at Melissa, ay ikinasal sa BRP Davao del Sur LD602 Battleship. Kung saan ay talaga umanong naging kabilib-bilib ang naging kasal ng dalawa, dahil sa kabila ng pagkakaroon ng krisis ay naging “classy” pa rin ito, at kontrolado ang mga naging kaganapan sa okasyon.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Isang simpe at elegante ngang seremonya ang nangyari sa kasalang Rocco at Melissa.
Ang sikat na event designer na si Gideon Hermosa ang nag-ayos ng lugar na pinagkasalan ng dalawa, kung saan ay talaga namang napakahiwaga ng kamay ng designer dahil sa kabila ng kasimplehan ng kasal ay napakaganda ng naging disenyo nito.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Pagdating naman sa mga naging kasuotan ng magkasintahan sa kanilang kasal, ay sina Francis Libirian at Arsi Baltazar naman ang nagsa-ayos ng mga ito.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Matatandaan nga na sa mga naging panayam noon kay Rocco, ay sinabi niyang pagdating sa usapang kasal, ay gusto niya na maging tahimik at sagrado ang seremonyang ito sa kanila ng kanyang magiging misis. At ikagugulat na nga lamang umano ng publiko na siya ay ikinasal na pala.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Dagdag pa ng aktor, nais niya talaga sa kasal, ay ang ma-enjoy at ma-feel talaga nila ito ni Melissa, at ng kanilang mga magulang.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Pamilya lamang umano nina Melissa at Rocco ang nakadalo sa kanilang kasal, at ang kanilang mga bisitang kaibigan at enterouge ay naka-zoom video lamang, ito ay dahil nga sa mahigpit na pagpapatupad ng protocol against pandem!c ng Philippine Navy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)

Samantala, karamihan umano sa mga tumayong ninong at ninang ng bagong kasal ay mga executive’s ng GMA-7 na pinangungunahan nina Atty. Felipe Gozon, Mr. Jimmy Duavit, Ms. Lilybeth Rasonable, Gigi Santiago – Lara at Reggie Magno.




Kabilang rin umano sa nasabing zoom video, ang ilan sa mga kapwa volleyball players ni Melissa na malapit sa kanya, pero ang mga ito’y hindi na masyadong napansin dahil sa dami ng kabilang sa zoom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *