Ogie Diaz Maagang Namigay Ng Pamasko Sa Lansangan

Sa nalalapit na kapaskuhan marami sa atin ang naghahanda na rin ng mga bagay na ipamamahagi natin sa araw ng kapaskuhan na nakapagbibigay saya sa mga taong mababahaginan natin nito. Ang pagbibigayan ay simbolo ng kapaskuhan, isa rin ito sa pamamahagi natin sa iba ng ating mga biyayang natanggap sa isang taon na namang lumipas bago dumating ang araw ng kapaskuhan.

Photo Credit: ogie_diaz/Instagram




Isa sa mga nagsimula ng mamahagi ng biyaya para sa iba ay ang talent manager/showbiz columnist na si Ogie Diaz, na namahagi ng biyaya sa mga taong nangangailangan.
Sa kanyang youtube channel na Ogie’s Youtube Channel noong December 12 ay ibinahagi ni Ogie ang isang video na kung saan ay Siya at ang kanyang mga staff at nasa isang supermarket at namimili ng mga bagay o gamit karamihan sa mga ito ay appliances.

Photo Credit: ogie_diaz/Instagram

Ang video na ito ay agad na humakot ng 277,000 viewers at ito ay nadaragdagan pa.
Ayon kay Ogie ang kanilang mga pinamili ay ipamimigay sa mga piling tao. Sa kanilang nadaraanan ay pumipili sina Ogie ng taong kanilang interviewing na kung saan ay hindi alam ng mga ito na may biyayang nag-aantay sa kanila sa pangyayaring iyon.

Photo Credit: ogie_diaz/Instagram

Ang unang tao na kanilang nilapitan at interview ay isang pamilya na may dalawang anak, ito ay nakasakay sa isang pedicab. Ayon sa nanay, ang kanilang hanapbuhay ay pangangalakal, at ang kanilang pedicab ang ginagawa na nilang tulugan.

Photo Credit: ogie_diaz/Instagram

Ang naging katanungan sa kanila ay kung ano ang kanilang pipiliin kung “pansaing” o “isasaing”? Ang pinili ng tatay ng pamilya ay ang bigas o isasaing. At sa pagbubukas nga ng plastic na may lamang bigas ay isang magandang mensahe pa ang nakalagay na kung saan ang pamilya ay magkakaroon pa ng P3,000 maliban sa isasaing.

Photo Credit: ogie_diaz/Instagram

Ang sumunod naman na nilapitan nina Ogie ay isang babae na ang-aanay sa may eskwelahan. Pinapili naman nila ito kung ceramic ware o aluminum ware. Pinili ng babae ang ceramic wae dahil ayon dito mas matagal itong magagamit at mas matibay ito.

Photo Credit: ogie_diaz/Instagram

Pero sa bandang huli ay pinagsisihan ng babae at mga nakapalibot sa kanya na hindi ang aluminum ware ang kanyang pinili, dahil ito ay may lamang P2,000 pesos. Ang ginawa ni Ogie ay nagpalaro ng ‘Bring me’ para makuha ng mga ito ang premyo na 2,000 pesos.

Ilan sila sa mga nabahaginan ni Ogie Diaz ng biyaya na nagbigay ng kasiyahan sa kanila. Meron ding grupo ng garbage collector at isang construction worker ang nabibiyayaan pa ni Ogie.




Marami an gang natuwa at nasiyahan sa ginawang ito ni Ogie Diaz, hindi man malaking halaga ang mga ito ngunit malaking tulong na para sa mga taong kanyang nabigyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *