Comedian Host Na Si Donita Nose Nakabili Ng Sarili Niyang Bahay At Isa Ito Sa Mga Biggest Blessing Sa Buhay Niya

Noong nakaraang taon, ay isa ang Kapuso comedian na si Donita Nose, sa talaga namang dumaan sa maraming pagsubok, hindi lang sa kanyang personal na buhay kundi maging sa kanyang karera.




Ngunit tunay ngang, bawat pagsubok pag iyong nalampasan ay may kapalit na kaginhawaan at malaking biyaya sa buhay, dahil sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ng Kapuso comedian, ay isang biggest blessings pa rin ang kanyang natanggap, at ito ay ang katuparan ng pangarap niya na magkaroon ng sarili niyang bahay.

Image Credit via YouTube

Kahit marami ngang pagsubok ang dumaan noong nakaraang taon, ay natupad ni Donita Nose ang pangarap niyang magkasariling bahay, kung saan ayon sa komedyante, ay pagpasok palang sa showbiz, ay talagang ito na ang kanyang biggest dream.

Image Credit via YouTube

Sa pamamagitan ng bagong vlog sa YouTube channel nila ni Super Tekla na “Donekla in Tandem”, ay ipinasilip ni Donita Nose sa publiko ang kanyang nabiling bahay sa loob ng isang bagong gawang subdibisyon sa Cavite.

Image Credit via YouTube

Ang bahay ngang ito ng komedyante ay mayroong dalawang palapag, kung saan ay wala pa itong mga kagamitan ngayon, dahil sa hindi pa ito ganun ka fully-furnished. Ngunit ayon kay Donita Nose, kapag tapos na tapos na talaga ito, ay lilipat na siya dito kasama ang kanyang ina, at dito na nga maninirahan.

Image Credit via YouTube

Ibinahagi rin ni Donita, na mayroon siyang inilaan na kuwarto para kay Tekla sa kanyang tahanan, ito ay upang kapag ninais ng kaibigan na magbaksyon doon, ay may sariling silis itong matutuluyan.

Image Credit via YouTube

“Siyempre excited ako, no! kasi this is it na talaga. Di ba, para sa atin naman ‘to , siyempre”, ang naging simula ngang pahayag ni Donita, habang nagmamaneho papunta sa nabiling bahay.

Si Donita Nose o Rodello Solano sa totoong buhay, ay isa sa mga kilalang comedian-host sa Kapuso network, kung saan siya’y napapanood sa programa ni Willie Revillame na Wowowin.

“Magkano?”, ang naging diretsong tanong naman ng kaibigan niyang si Tekla.
“Mura lang naman siya, kayang kaya mo”, ang naging sagot naman ni Donita.
“Balita ko nasa 10 million?”, ang naging hirit pa nga ni Tekla habang hawak hawak na ang susi ng bagong bahay ni Donita.

“Hindi naman nasa 9.9 (million). Hahahahhaa! Charot! Hindi, a! Mura lang ‘yong bahay na nakuha ko. Hindi naman yon ano…dyusko naman”, ang naging saad naman ni Donita.

Dagdag pa nga ni Donita, hindi ganun kalakihang bahay ang kanyang nabili, dahil hindi naman talaga sila as in super yaman ni Tekla. Ang mahalaga pa umano sa komedyante, ay ang makitang may naipupundar siya sa perang kanyang kinikita.

Ayon pa nga kay Donita, maliban sa bahay, ay importante din na kasama niya ang kanyang pamilya at ang kaibigang si Tekla. “Alam mo naman na mahirap lang tayo, di ba? Basta ang importante is ‘yong meron tayong naipundar. Tapos kasama mo ‘yong family mo. Kasama ka. Magkakasama tayo. ‘Yun yung importante”, chicka nga ni Donita.




Nang dumating na nga sila sa lugar kung saan ay nakatayo ang bagong bahay na nabili ni Donita, ay talaga namang napa-wow si Tekla sa ganda ng pagkakagawa ng nasabing unit.
“This is it beshy! Welcome to my house”, ang naging sey nga ni Donita ng ipakita na sa kaibigan ang loob ng kanyang bagong bahay.

Video Credit: Donita Nose/YouTube

Ipinakita nga ng magkaibigan sa kanilang vlog ang iba’t ibang bahagi ng bahay na ito ni Donita, kung saan ay mayroon itong apat na kwarto, tatlong C.R, kusina, dirty kitchen area, dalawang malawak na espasyo na pwedeng maging living room at entertainment area, at pwede pa ngang palagyan ng komedyante ng balcony, kung nanaisin niya.

Ayon nga kay Donita, gusto niyang magpalagay ng bar counter sa kanyang kusina, at ang master’s bedroom naman niya, ay nais niyang palagyan ng bathtub.

“At ito nga mga ka-tandem, sobrang happy ako. Napakasaya ko kasi natupad na ang isa sa mga pangarap ko, of course, ang magkaroon kami ng sariling bahay na noon ko pa inaasam.

Ibinahagi din ni Donita, na bago pa magkaroon ng [email protected] ay nakuha na niya ang bahay, ngunit noon ngang magkaroon ng krisis dahil sa krisi ay hindi na niya inaasahan na tuluyan niya itong maukuha dahil sa nawalan na siya ng kita at trabaho.

Pero dahil may awa talaga ang Diyos, ay ibinigay niya ang matagal ng hinihiling sa buhay ni Donita, at siyempre mas naging posible pa ito dahil sa kanyang pagsusumikap na makamit ito.

“So maraming maraming salamat sa Panginoon at siyempre sa inyo mga ka-tandem dahil kayo rin ang susi kung bakit ko nakuha ito”, ang naging pahayag nga ng stand-up comedian.
Para naman sa kaibigan ni Donita na si Super Tekla, ay talagang magiging maganda ang pasok ng taong ito, sa karera nilang dalawang magkaibigan.

“Ang ganda ng pasok ng taon. Bagong taon, bagong bahay.” Aabangan din ngayong taon na ito, ang mas mga nakakatuwang at nakaka-aliw na mga bagong vlog ng magkaibigang Donita at Tekla, at kung ano pa nga ang mga magiging kaganapan sa kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *