Only Son Ni Ina Raymundo Hinahangaan Ng Marami Dahil Sa Kanyang Taglay Na Kagwapuhan

Gwapo, matangkad, matangos ang ilong, at may angking karisma, ganito naman talaga natin mailalarawan ang only son ng aktres ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak. At ito ay hindi naman kataka-taka dahil may pagmamanahan naman talaga ang binata, sapagkat napakaganda ng kanyang ina, at napakagwapo rin ng kanyang ama.




Hindi lamang nga isang gwapong binata ang only son ni Ina Raymundo na si Jakob, dahil mula sa pagiging isang young athlete ay naipagpatuloy nito ang pagiging kasapi ng isang international baseball organization. Maliban pa sa sports na baseball, ay marami ding mga sports na aktibo pa si Jakob.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Dahil nga sa taglay na kagwapuhan at ka-charmingan ni Jakob, ay marami ang nagsasabi na pwedeng-pwedeng pasukin ng binata ang mundo ng showbiz, at maging isa sa mga kinakikiligan at pinapantasyang leading man sa mga susunod na panahon.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Samantala, noon nga lamang ika-28 ng buwan ng Marso ay ibinahagi ni Ina sa kanyang Instagram account ang isang video collage kung saan makikita ang high school graduation ng kanyang anak na si Jakob. Si Jakob ay nagtapos ng sa International School Manila sa Bonifacio Global City, Taguig.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

“My only Sonshine”, ito nga ang tawag ni Ina sa kanyang anak na si Jakob, dahil sa ito ang nag-iisa niyang anak na lalaki.Matatandaan nga na noong magdiwang ng ika-15 taong gulang na kaarawan si Jakob ay isang mensahe ang ibinahagi ng aktres, kung saan ay kanya ngang inilahad na hindi pa siya handa sa napakabilis na pagbibinata ng kanyang anak.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

“He’s turning 15 soon! Wait, I’m not ready #myonlysonshine #jakpot”, ani Ina sa kanyang Instagram post.Makikita sa Instagram post na ito ni Ina ang mga throwback photo ng anak niyang si Jakob, kung saan isa na sa mga ito ay ang newborn photo ni Jakob kung saan dito makikita na bagong silang pa lamang nga ito ay talagang napaka-cute na nito.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Talaga namang hindi makapaniwala si Ina sa mabilis na paglaki ng kanyang only son, dahil parang kailan lamang nga ay batang-bata pa ito.




“I can’t still believe how much he’s grown. He’s only 14!”, saad ni Ina sa kanyang IG post.
Pagbabahagi pa nga aktres, ang kanyang anak na si Jakob ay hindi lamang gwapo, kundi napakabait din nito. At hind inga maikakaila na ang ‘gwapo genes’ ay nanalaytay dito dahil sa napakagwapo rin naman talaga ng ama nito na isa ngang banyaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.